02/01/2026
Ang biglaang pagkalimot sa pagkatao at nakaraan ay may malalim na epekto sa isipan at damdamin, higit pa sa iniisip ng marami. Mahalaga na mas maintindihan at pag-usapan natin ito upang maging mas bukas tayo sa pag-unawa, pagtulong, at pag-suporta sa mga taong dumaranas nito. Ikaw ba o may kilala ka na nakakaranas ng dissociative fugue o iba pang problema sa mental health? Hindi mo kailangang harapin ito nang mag-isa.
Kung ikaw ay nangangailangan ng gabay, suporta, o tulong para sa iyong mental health, maaari kayong mag-iwan ng mensahe sa aming page, City of Calamba – Mental Health Program, o sa aming hotline: 0963 903 9283. Tandaan, hindi ka nag-iisa. May mga taong handang makinig, umunawa, at tumulong sa’yo sa bawat hakbang ng iyong paglalakbay.