31/07/2025
Habang pauwi ako, sumakay ako sa tricycle. Tahimik lang ako, nang biglang nagsalita si manong driver.
Manong:
"College ka na, ‘neng?"
Ngumiti ako.
"Opo."
Manong:
"Anong year ka na?"
"4th year na po. Malapit na po akong grumaduate."
Ngumiti si manong, pero hindi masaya ang mata niya. Para bang may lungkot.
Manong:
"Pag grumaduate ka na at may trabaho ka na, huwag mong kalimutang balikan at tulungan ang mga magulang mo. Dahil sila ang naghirap para sa ‘yo."
Natahimik ako.
"Manong, kayo po? Nasaan po ang mga anak niyo?"
Medyo may edad na si manong, halatang pagod.
Manong:
"Yung mga anak ko, tapos na sa pag-aaral. Yung isa engineer, yung isa doctor."
Nagulat ako.
"Eh bakit po namamasada pa rin kayo?"
Ngumiti si manong, pero malungkot.
Manong:
"Nasa abroad na silang lahat. Pero kami ng asawa ko, dito pa rin. Kailangan naming kumayod. Kasi kapag humihingi kami ng tulong sa kanila, nagagalit sila. Sabi nila, hindi raw nila obligasyon ang magulang nila. Kami raw ang pumiling buhayin sila."
Hindi na ako naka-imik. Tahimik lang si manong hanggang makarating kami.
Ang sakit sa dibdib.
Ang lungkot ng kwento niya.
Kaya kung may magulang ka pa…
Tanungin mo naman sila paminsan:
"Ma, Pa, okay lang po ba kayo?"
"May kailangan po ba kayo?"
Kasi minsan, hindi nila sinasabi.
Pero sa loob nila…
naghihintay lang sila. 🥺
"HUWAG KALIMUTAN ANG MGA MAGULANG."
—