UPHSD Calamba Clinic

UPHSD Calamba Clinic The Official page of UPHSD-Calamba Campus School Clinic

Healthy and Safety Reminders mga Ka-Perps!!!
02/07/2025

Healthy and Safety Reminders mga Ka-Perps!!!




‼️WAG MAGPALOKO SA V**E AT SIGARILYO‼️

🚭 Maraming masamang epekto ang dala ng paninigarilyo sa ating katawan. Alam nyo ba na ang secondhand smoke, o ang usok galing sa iba na nalanghap mo, maaari pa ring magdulot ng mga malubhang sakit!

⚠️Ang mabangong amoy ng v**e ay kemikal na maaaring magdulot ng sakit tulad ng Popcorn Lung at EVALI—wala itong gamot at tuluyang pumapatay sa baga.

Hithit pa? Itigil mo na.

Isang paalala ngayong World No To***co Day.

***coDay **e

SAFE AND HEALTHY REMINDERS, MGA KA-PERPETUALITES!!!Dahil tag-ulan na, kailangang bantayan ang W.I.L.D na sakit na uso tu...
07/06/2025

SAFE AND HEALTHY REMINDERS, MGA KA-PERPETUALITES!!!

Dahil tag-ulan na, kailangang bantayan ang W.I.L.D na sakit na uso tuwing umuulan:

💧 Waterborne diseases – mula sa maruming tubig
🤒 Influenza-like illnesses – trangkaso / lagnat, ubo, sakit ng katawan
🐀 Leptospirosis – galing sa ihi ng daga na nasa baha
🦟 Dengue – dala ng kagat ng Aedes aegypti na namamahay sa naipong tubig

Dahil tag-ulan na, kailangang bantayan ang W.I.L.D na sakit na uso tuwing umuulan mga ka-Perps!!!





Healthy reminders mga ka-Perps!!!What is MONKEYPOX ?Mpox (monkeypox) is an infectious disease caused by the monkeypox vi...
30/05/2025

Healthy reminders mga ka-Perps!!!

What is MONKEYPOX ?

Mpox (monkeypox) is an infectious disease caused by the monkeypox virus. It can cause a painful rash, enlarged lymph nodes and fever. Most people fully recover, but some get very sick.
Anyone can get mpox.

It spreads from contact with:

- Infected Persons, through touch, kissing, or s*x
- Animals, when hunting, skinning, or cooking them
- Materials, such as contaminated sheets, clothes or needles
- Pregnant persons, who may pass the virus on to their unborn baby

If you have Mpox:

Tell anyone you have been close to recently
Stay at home until all scabs fall off and a new layer of skin forms
Cover lesions and wear a well-fitting mask when around other people
Avoid physical contact

STAY HEALTHY PERPETUALITES !!!





Keep safe always Ka-Perps!!!❗️Life is not a wheel. It ain’t got no reserve❗️You're not just a driver! you're a parent, a...
23/05/2025

Keep safe always Ka-Perps!!!

❗️Life is not a wheel. It ain’t got no reserve❗️
You're not just a driver! you're a parent, a wife, a child, a friend.
In every trip, there's a family waiting for you to come home safely.
Take care when driving!!!


❗️Ang buhay ay hindi gulong. Wala itong reserba❗️

Hindi ka lang driver—ikaw ay magulang, asawa, anak, kaibigan. Sa bawat biyahe, may pamilyang naghihintay sa'yo na makauwi nang ligtas.

Mag-ingat sa pagmamaneho:
✅ Magsuot ng seatbelt
✅ Sumunod sa speed limit
✅ Huwag magmaneho kapag inaantok o lasing.

Remember, road safety is shared responsibility!




A healthy reminders mga ka Perps ngayong panahon ng tag-init!!!Ang Heat Stroke ay Delikado! ☀️Dala ng pagtaas ng Heat In...
26/04/2025

A healthy reminders mga ka Perps ngayong panahon ng tag-init!!!

Ang Heat Stroke ay Delikado! ☀️

Dala ng pagtaas ng Heat Index ay ang banta ng heat related illnesses. Maging alert sa mga sintomas ng heat stroke tulad ng:
⚠️ Pagkahilo
⚠️ Lagnat
⚠️ Pangangalay
⚠️ Pag-init at Pamumula ng Balat
⚠️ Pagkawalang Malay

Kung ang kasama ay nakakaranas ng anumang sintomas nito, agad na lumipat sa malamig na lugar at humingi ng tulong.
Ang banta ng heat stroke ay maiiwasan basta’t laging handa sa init ng panahon. 🌡️

Kayang protektahan ang sarili mula sa Heat-Releated Illnesses:
✅ Iwasan lumabas mula 9AM - 4PM kung kailan mataas ang tirik ng araw
✅ Stay hydrated at laging uminom ng maraming tubig
✅ Magdala ng payong, pamaypay, o sumbrero kapag lalabas ng bahay
✅ Magsuot ng magaan at maluwag na damit

Mag-ingat sa banta ng matinding init mga ka Perps!!! 🔥





A Safety Reminders mga ka-Perps!!!Sintomas ng Rabies sa Tao,  Huwag Balewalain! 🛑🚨 Kung nakagat ng hayop, bantayan ang m...
05/04/2025

A Safety Reminders mga ka-Perps!!!

Sintomas ng Rabies sa Tao, Huwag Balewalain! 🛑

🚨 Kung nakagat ng hayop, bantayan ang mga senyales:

🔥 Lagnat, sakit ng ulo, at panghihina 🤒
🩸 Pananakit, pamamaga, o pamamanhid sa sugat 🩹
💧 Takot sa tubig at hangin (hydrophobia, aerophobia) 🚱💨
😨 Pagkairita, pagkalito, o matinding takot
💪 Pananakit ng kalamnan, pangingisay, at pagkaparalisa
⚠ Kapag nakagat o nakalmot ng hayop, pumunta sa Animal Bite and Treatment Center at magpasuri sa healthcare worker! 🏥❗

🐾 Paano Malalaman Kung May Rabies ang Hayop? ⚠️🐶

🚨 Mag-ingat sa mga palatandaan!

🔹 Dating tahimik, naging agresibo o matatakutin 😡😨
🔹 Labis na paglalaway 🐕💦
🔹 Takot sa tubig at liwanag 🚫💧☀️
🔹 Hirap lumakad at nanginginig 🦵⚡
🔹 Namatay sa loob ng 10 araw matapos lumitaw ang sintomas ☠️

⚠ Kapag may sintomas ng rabies ang hayop, huwag ipagsawalang-bahala dalhin agad sa beterinaryo o i-report sa awtoridad! ⚠

Prevention is better than cure mga ka Perpetualites!!!




Let's end TB mga ka-Perps!Tuberculosis (TB) is a contagious bacterial disease, usually affecting the lungs, caused by My...
24/03/2025

Let's end TB mga ka-Perps!

Tuberculosis (TB) is a contagious bacterial disease, usually affecting the lungs, caused by Mycobacterium tuberculosis and spread through the air when people with TB cough, sneeze, or spit. It can also affect other parts of the body, and while treatable with antibiotics, untreated TB can be fatal.

To avoid TB disease

Prioritize good hygiene, maintain a strong immune system, and seek early diagnosis and treatment if needed.

🩻 Have an X-ray to ensure the condition of LUNGS
🩺 Consult immediately if cough is 2 weeks old.

Cover your mouth when coughing or sneezing, and avoid close contact with individuals with active TB.

There's a cure out there Perpetualites!!!






Clinic Health TalkAs part of this activity in cooperation with Pediatrica of Unilab Phils. we give free vitamins to Grad...
18/03/2025

Clinic Health Talk
As part of this activity in cooperation with Pediatrica of Unilab Phils. we give free vitamins to Grade 1 to 4 students. This will help boost their immune system, energy, growth and development.

Happening now!In celebration of University Week, the Clinic Dept. in coordination with Pedriatica is giving away sample ...
17/03/2025

Happening now!

In celebration of University Week, the Clinic Dept. in coordination with Pedriatica is giving away sample vitamins to our Basic Education students.

Healthy ba ang inyong tiyan mga ka-Perps!!!Senyales na ang inyong tiyan ay healthy at energy ready: 1. Regular na pagdum...
15/03/2025

Healthy ba ang inyong tiyan mga ka-Perps!!!

Senyales na ang inyong tiyan ay healthy at energy ready:

1. Regular na pagdumi na maaaring tatlong beses sa isang araw hanggang tatlong beses sa isang linggo
2. Walang kabag o pananakit ng tiyan
3. Walang pangangasim ng tiyan o Heartburn
4. May gana kumain - nakakaramdam ng gutom kapag oras nang kumain

🩺 Magpatingin sa doktor kung may sintomas tulad ng:

1. Madalas na pagsakit ng tiyan
2. Hindi maipaliwanag na biglang pagbagsak o pagdagdag ng timbang
3. Hirap makatulog o laging nanghihina
4. Madalas na pagdumi na may kasamang dugo
5. Hindi hiyang o laging sumasama ang tiyan kapag kumakain ng ilang pagkain (food intolerance)

Alagaan ang iyong tiyan

✅ Kumain ng masustansya – piliin ang prutas, gulay, at fiber-rich na pagkain
🥗🍎 Gamitin ang Pinggang Pinoy bilang gabay.
💧 Uminom ng maraming tubig – iwasan ang dehydration!
🚫 Bawasan ang matataba, maaalat, at sobrang processed na pagkain
🏃‍♀️ Magkaroon ng active lifestyle – iwasan ang sobrang pag-upo buong araw

A Healthy and Friendly reminder lang mga Ka Perpetualites!!!





Iwasan ang Hand Foot and Mouth Disease mga ka Perps!!!Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na pinaka nakaaapekto sa mga ...
05/03/2025

Iwasan ang Hand Foot and Mouth Disease mga ka Perps!!!

Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na pinaka nakaaapekto sa mga batang edad 5 taon pababa. Nagdudulot ito ng pagpapantal sa kamay, paa, at singaw sa bibig.

Protektahan ang iyong anak laban sa sakit na ito!

✅ Ugaliing maghugas ng kamay
✅ Iwasang hawakan ang mata, ilong, at bibig
✅ Linisin at i-disinfect ang mga kagamitan
✅ Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health Center

Protektahan ang sarili at ang pamilya laban sa HFMD Perpetualites!!!





Alamin ang banta ng Dengue mga ka Perps!Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center kapag nakaranas ng sintomas...
20/02/2025

Alamin ang banta ng Dengue mga ka Perps!

Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center kapag nakaranas ng sintomas ng Dengue!

Ang Dengue ay galing sa kagat ng mga lamok na Aedes Aegypti may stripes na itim at puti sa kanyang katawan at binti na nagpaparami sa mga naipong tubig at maruruming lugar.
Maaaring magsimula ang Dengue sa sintomas na tulad ng trangkaso, ngunit maaaring lumala at magdulot ng mas malubhang sakit.
Ang malubhang Dengue ay nakamamatay!!!

Ugaliing maglinis ng paligid para walang pamugaran ang lamok!

Kung walang lamok, walang dengue ka Perps!




Address

Paciano Rizal
Calamba
4027

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Telephone

+639175921928

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UPHSD Calamba Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to UPHSD Calamba Clinic:

Share