21/09/2025
Ang ibabahagi ko po ay isang inspirasyon lang π
ABANG
Nakakita na kayo marahil ng mga bahay na tapos na, pero may mga nakausling bakal papunta sa susunod na palapag.
NAKAABANG LANG
Nakaabang na pang 2nd floor.
Ang una sigurong papasok sa isip niyo ay wala pa marahil na budget para sa 2nd floor.
NAGKULANG
HINDI NAG KASYA
Pero hindi kakulangan ang sinisimbolo ng mga abang na ito.
PAG-ASA
Pag-asa na sa darating na panahon, mapapagawa rin nila ang susunod na palapag.
Pag-asa na lalo pang gaganda ang buhay kaya hindi sa unang palapag nagtatapos lang ang plano sa bahay.
Pag-asa na hindi man ako, baka ang susunod sa akin, mapapagawa ito.
Eto ang abang
Mga simpleng bakal
Pero mabigat ang timbang
Hindi nalalayo ito sa tunay na buhay.
Dapat sa ating pagplaplano ng buhay natin, laging merong nakaabang.
Lagi natin aasahan na may igaganda pa ang buhay.
Lagi natin pagtratrabahuan na magkatotoo ang inaasahan natin na ito.
Pagsisikapan natin
Para maituloy natin
Kasi alam natin na pinatibay natin ang pundasyon, para sa panahon na kaya na natin, makakaangat pa tayo lalo.
Sa tulong ng Maykapal
Tiwala sa Sarili
Suporta ng Pamilya
Mapapaganda ang buhay
Para ang dating abang lamang, matutuloy na natin at mapapatuloy ang susunod na palapag.
Nang bahay
Nang buhay
PAGPALAIN PO TAYO NG PANGINOON ππ