
29/11/2023
ARE YOU NUTS? PEANUTS: NO🥜
Ngayong "Know Nuts November", mahalagang malaman na ang paborito ninyong kinakain na mga mani ay hindi talaga isang 'nut' kahit na mayroon nito sa Ingles na pangalan nito (peanut).
Ang mani (peanut) ay isa talagang uri ng legume na kahanay ng mga lentil, beans, at soybeans na ang mga buto ay tumutubo sa loob ng isang 'pod'. Ayon sa mga eksperto, ang tunay na 'nut' ay tuyong prutas na may iisang buto laman na nakalagay sa loob ng isang matigas na outer shell. Ang mga tunay na 'nut' ay kadalasan ring tumutubo sa mga puno, tulad ng mga walnut, chestnut, hazelnut, at acorn, samantalang ang mga mani ay nasa ilalim ng lupa.
Kahit na hindi ito tunay na 'nut', wala pa rin namang pagbabago sa sarap at sustansyang hatid nito sa ating mga tao.
Ito ang na nakasulat sa Filipino na handog ng ScienceKonek araw-araw, kada ika-4 ng hapon.
[Ang ScienceKonek ay kasalukuyang nagsasagawa ng Membership Drive. Alamin paano sumali: https://bit.ly/SKMembershipInfo2023]