
20/09/2025
Kung ayaw mong umupo sa dialysis center ng 4 na oras, 3 beses isang linggo, habang nakakabit sa machine gamit ang dalawang malaking karayomโsimulan mong alagaan ang sarili mo ngayon. Puno na ang mga dialysis center, at kapag dumating ang araw na kailangan mo nito, baka wala ka nang slot. Mahirap magkasakit. Magastos magkasakit.
Kung tamad kang uminom ng tubig ngayon, baguhin mo na yan! Habang malusog pa ang kidney mo, sulitin mong uminom ng sapat na tubig, dahil kapag nagka-CKD (chronic kidney disease) ka na, sobrang limitado na ang pwede mong inumin.
โ Tigilan ang soda, colored drinks, alak, processed foods, instant noodles, french fries, at pagkaing puno ng preservatives.
Kung mahal mo ang pamilya mo at gusto mong humaba ang buhay kasama silaโ
๐ Love your kidney. Love your body.
Remember: Prevention is always better than cure.