22/01/2026
🧩 𝐀𝐮𝐭𝐢𝐬𝐦 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐜𝐢𝐨𝐮𝐬𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐖𝐞𝐞𝐤 🧩
Ang 𝐀𝐮𝐭𝐢𝐬𝐦 𝐒𝐩𝐞𝐜𝐭𝐫𝐮𝐦 𝐃𝐢𝐬𝐨𝐫𝐝𝐞𝐫 (𝐀𝐒𝐃) ay isang kondisyon na may kinalaman sa pag-unlad ng komunikasyon, pakikisalamuha, at pag-uugali. Iba-iba ang kakayahan, pangangailangan, at lakas ng bawat taong nasa autism spectrum, at lahat sila ay karapat-dapat sa pag-unawa at respeto.
📌 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐚𝐮𝐭𝐢𝐬𝐦?
Ang tamang kaalaman ay nakatutulong upang mabawasan ang stigma, mapalakas ang pagtanggap, at makalikha ng isang komunidad na ligtas at inklusibo para sa mga taong may autism at kanilang pamilya.
💚𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠?
• Unawain at igalang ang pagkakaiba-iba
• Suportahan ang maagang assessment at intervention
• Gumamit ng positibong wika at kilos
• Magbigay ng ligtas at suportadong kapaligiran
• Makilahok sa mga programang pang-kalusugan at edukasyon
👩⚕️𝐊𝐚𝐧𝐢𝐧𝐨 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐡𝐚𝐧𝐢𝐧 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐚𝐮𝐭𝐢𝐬𝐦?
Makipag-ugnayan sa health center, developmental pediatrician, psychologist, o primary care provider para sa tamang assessment, payo, at suporta.
💚𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐲 𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐤𝐥𝐮𝐬𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧.
𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐:
𝒀𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝑳𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑲𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏!💚
"