Calapan City Health and Sanitation Department

Calapan City Health and Sanitation Department Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Calapan City Health and Sanitation Department, Calapan.

24/07/2025
24/07/2025
21/07/2025
๐„๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐ž๐ซ๐ž๐ ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐’๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฆ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐’๐š๐ฉ๐ฎ๐ฅHulyo 20, 2025Sa pangunguna ng Barangay SK Federa...
21/07/2025

๐„๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐ž๐ซ๐ž๐ ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐’๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฆ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐’๐š๐ฉ๐ฎ๐ฅ
Hulyo 20, 2025

Sa pangunguna ng Barangay SK Federation, isang makabuluhang aktibidad ang isinagawa para sa kabataan ng Barangay Sapul sa pamamagitan ng Empowered Youth Symposium na may temang โ€œKabataang Maginhawa, Panatag at Matatag.โ€
Layunin ng programa na palakasin ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa Mental at Reproductive Health โ€” mga isyung mahalaga at napapanahon sa kasalukuyan.

Tampok sa programa ang mga sumusunod:
โœ… Psychosocial support sessions para sa kalusugang pangkaisipan
โœ… Mga talakayan ukol sa HPV, Cervical Cancer, at HIV awareness
โœ… Libreng HIV testing

Ang mga aktibidad na ito ay naglalayong maghatid ng kaalaman, emosyonal na suporta, at lakas ng loob sa kabataan upang kanilang mapangalagaan ang sariling kalusugan โ€” pisikal man o mental.

Ang programa ay naging posible sa tulong at suporta ng Sangguniang Barangay ng Sapul, HRH assigned Nurse Christine Abdon, Nurse Nathaniel Armada, Nurse Enriquita Perilla, at sa pakikipagtulungan ni Sir Leo Cuya ng Purple Rain Clinic.

Ang kabataang may sapat na kaalaman, gabay, at suporta ay magiging matatag na haligi ng isang mas malusog at maunlad na komunidad.

โ€œ๐‘†๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘˜๐‘Ž๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘› ๐‘Ž๐‘ก ๐‘š๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘˜๐‘–๐‘ก, ๐‘ ๐‘–๐‘”๐‘ข๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘‘๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘š๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘–๐‘›๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘˜๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘›.โ€

19/07/2025
๐‚๐‡๐’๐ƒ, ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐‚๐ฅ๐ž๐š๐ง-๐”๐ฉ ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž ๐ฌ๐š ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐‡๐š๐ฅ๐ฅ ๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ง๐๐ฌ!Bilang tugon sa panawagan para sa isang malinis at maayos na kapali...
19/07/2025

๐‚๐‡๐’๐ƒ, ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐‚๐ฅ๐ž๐š๐ง-๐”๐ฉ ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž ๐ฌ๐š ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐‡๐š๐ฅ๐ฅ ๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ง๐๐ฌ!

Bilang tugon sa panawagan para sa isang malinis at maayos na kapaligiran, buong sipag at malasakit na nakiisa ang mga kawani ng City Health and Sanitation Department (CHSD) sa isinasagawang Clean-Up Drive sa paligid ng City Hall ngayong Hulyo 18, 2025

Mula sa paglilinis sa loob ng health centers hanggang sa paglilinis ng mga bakanteng lugar, ipinamalas ng CHSD ang tunay na โ€”dahil ang pagbabago ay dapat nagsisimula sa sariling bakuran.

โ€œMalinis na Simula, Para sa Maayos na Bayan Sigurado, Aksyon Agad!โ€


17/07/2025
17/07/2025

โ•DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASEโ•

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

๐Ÿ–๐Ÿ‘ฃ Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
๐Ÿ“Œ lagnat
๐Ÿ“Œ singaw sa bibig
๐Ÿ“Œ sakit sa lalamunan
๐Ÿ“Œ mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

โ—๏ธMakaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

โœ…Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
โœ…Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
โœ…Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




15/07/2025
๐Œ๐ž๐๐ข๐š ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐ฌ๐š ๐‚๐š๐ฅ๐š๐ฉ๐š๐ง: ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐‘๐ž๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“Sa pagdiriwang ng...
15/07/2025

๐Œ๐ž๐๐ข๐š ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐ฌ๐š ๐‚๐š๐ฅ๐š๐ฉ๐š๐ง: ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐‘๐ž๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Sa pagdiriwang ng World Population Day 2025, nagsagawa ng isang Media Forum ang Commission on Population and Development (CPD) MIMAROPA, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan at PIA-MIMAROPA noong Hulyo 15 sa Calapan City Convention Center. Tema ng forum ang โ€œEmpowering Adolescents and Youth: Conversations on Reproductive Health and Informed Family Choices.โ€

Layunin ng forum na bigyang-pansin ang mga isyung gaya ng reproductive health ng kabataan, maagang pagbubuntis, at kahalagahan ng family planning batay sa tamang impormasyon. Dumalo rito ang mga kinatawan mula sa media, lokal na pamahalaan, at mga tagapagtaguyod ng kalusugan upang magsagawa ng makabuluhang talakayan.

Kinatawan ng lungsod si City Administrator Angel M. Navarro sa ngalan ni Mayor Atty. Doy C. Leachon, kasama sina CPD MIMAROPA Regional Director Regnaldo O. Wong, City Health Officer Dr. Basilisa M. Llanto, at City Population Officer Dr. Ma. Teresita N. Bolor bilang mga pangunahing tagapagsalita.

Binigyang-diin sa pagtitipon ang kahalagahan ng pagbibigay ng tama at sapat na impormasyon sa kabataan upang makagawa sila ng matatalinong desisyon ukol sa kanilang kalusugan, relasyon, at kinabukasan.

Sa kabuuan, layunin ng aktibidad na pagtibayin ang ugnayan ng mga ahensya upang makabuo ng isang lipunang may malusog na pamilya at empowered na kabataan.

๐‘ƒโ„Ž๐‘œ๐‘ก๐‘œ ๐ถ๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ๐‘ก๐‘’๐‘ ๐‘ฆ: ๐ถ๐‘–๐‘ก๐‘ฆ ๐ผ๐‘›๐‘“๐‘œ๐‘Ÿ๐‘š๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘œ๐‘› ๐‘‚๐‘“๐‘“๐‘–๐‘๐‘’

Address

Calapan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calapan City Health and Sanitation Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Calapan City Health and Sanitation Department:

Share