08/12/2025
๐๐๐๐๐ฃ๐๐ก ๐๐๐ง๐ฌ ๐ช๐ข๐ฅ๐๐ ๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ฌ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
Noong ika-3 ng Disyembre, sama-samang nagkaisa ang Calapan City dala ang isang makapangyarihang mensahe:
Ang komunidad na may alam ay komunidad na protektado.
Sa pamamagitan ng ating World AIDS Day Empowerment Booth, nakiisa ang ating SK leaders, mga estudyante, partners, at iba pang miyembro ng komunidad sa isang 20-minutong learning experience na naglalayong magbigay kaalaman, magpalakas ng boses ng kabataan, at tuluyang wakasan ang stigma tungkol sa HIV.
Mga Tampok na Gawain:
๐ Talakayang HIV Situationer
Sa tulong ni ng pananalita ni G. Dave Ayrit, RN, mula Purple Rain Clinic, nalaman ng mga kalahok ang mahahalagang impormasyon tungkol sa HIVโmga katotohanan, lokal na datos, paraan ng pag-iwas, at kung bakit mahalaga ang maagang pagpapasuri at paggamot.
Layunin nitong palalimin ang kaalaman ng kabataan at palakasin sila bilang mga tagapagtaguyod ng tamang impormasyon.
๐ โPledge of Hopeโ
Sama-sama tayong nanumpa upang isulong ang malasakit, responsableng pagkilos, at pagrespeto sa bawat Calapeรฑo.
Bawat pulang ribbon ay simbolo ng tapang, pagkakaisa, at pag-asa.
๐ โSnap Against Stigmaโ Online Photo Advocacy
Nagpicture ang mga kalahok sa ating advocacy backdrop gamit ang props, at nag-post gamit ang hashtag .
Maliit man na kilos online, naging malaking pahayag ito offlineโpatunay na ang kabataang Calapeรฑo ay pumipili ng kaalaman kaysa takot, at pagkakaisa kaysa stigma.
๐ WAD Keychain Giveaway
Bilang pag-encourage ng patuloy na adbokasiya, tumanggap ng eksklusibong World AIDS Day Keychain ang mga nag-postโisang pang-araw-araw na paalala na bitbit natin ang mensahe saan man tayo pumunta.
๐ Mensahe para sa Komunidad
Nanatiling malaking hadlang ang stigma sa HIV awareness at sa pag-access ng tamang pangangalaga.
Sa araw na iyon, pinatunayan ng ating kabataan na handa ang Calapan City na mamuno gamit ang kaalaman, malasakit, at respeto.
Sa pag-unawa ng katotohanan, paghamon sa mga maling paniniwala, at pag-angat ng kanilang bosesโtumutulong sila sa pagbuo ng isang lungsod kung saan ligtas, tanggap, at pantay ang bawat isa.
โค๏ธ Nagkakaisa ang Calapan City.
Sama-sama nating wakasan ang katahimikan.
Sama-sama nating wakasan ang diskriminasyon.
Sama-sama nating buuin ang isang mas matatag at stigma-free na komunidad.