 
                                                                                                    24/10/2025
                                            OCTOBER 24, 2025- Camansihan Calapan City
Nagsagawa ng collaboration program ang mga barangay ng Camansihan, Gulod, Batino at Managpi ng programa na may temang "USAPANG BUNTIS" na layuning mapalawig ang kaalaman ng mga ina sa wastong pangangalaga ng sarili,maging sa kanilang sanggol bago, habang at pagkatapos ng panganganak..'
Tinalakay sa nasabing activity ang mga mahahalagang paksa tulad nang:
📌 Kahalagahan ng pagpapacheck-up sa health center
📌 Paghahanda ng Birth Plan
📌 Senyales na mapanganib ang pagbubintis at tamang gawain para mapangalagaan ang pagbubuntis.
📌 Mga dapat ihanda kapag manganganak  at pagkatapos manganak 
📌 Benipisyo ng Ekslusibong Pagpapasuso
📌 Family Planning
📌 Influenza
Layunin ng activity na ito na masiguro ang maayos at ligtas na pagbubuntis,panganganak at pagkakaroon ng malusog na sanggol. Sa pamamagitan ng programang ito,patuloy na maisusulong ang adbokasiya para sa "HEALTHY NANAY, HEALTHY BABY"
Maraming Salamat po sa lahat ng buntis na nakiisa sa talakayan. Baunin nyo ang mga dagdag kaalaman na inyong natutunan sa usapang ito.
Maraming Salamat din sa aming masisipag at mababait na mga speaker; Madam Krishna Acedillo, Madam Florefie Fabul, Madam Merly Marasigan, Sir Nathaniel Armada at Madam Zerrisa Joy Manes .. Pasasalamat din sa naging panauhin na si Dra. Basilisa Llanto,MD ..
Maraming Salamat din po sa naging sponsor ng mga token para sa mga buntis, Maam Jane Crisostomo..Ang diyos po ang magbabalik ng siksik,liglig at umaapaw na biyaya sa inyo🥰🥰
Taos puso din po ang pasasalamat sa mga kapitan ng bawat barangay, Kap. Jimmy Soriano (Camansihan), Kap. Menandro Pesig (Gulod), at sa aming kapitan Teodulo Macaraig (Managpi), Maraming Salamat po sa inyo suporta palagi.. Salamat din po sa Konsehal Lucilo De Leon ,BHW Shirley Ces Atienza More at BNS Mylene Nove 
Dcmtd by: Ayen Comia 
THANK YOU AND MAY GOD BLESS US ALL !!                                        
 
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                         
   
   
   
   
     
   
   
  