Brgy. Suqui Health Center

Brgy. Suqui Health Center Health Services

Gʀᴇᴇɴ Sᴛᴀʀᴛs ᴀᴛ Hᴏᴍᴇ𝐼𝑝𝑖𝑛𝑎𝑔𝑙𝑎𝑙𝑎𝑏𝑎𝑛 𝑛𝑎t𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑛𝑖𝑚 𝑠𝑎 𝑠𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑘𝑢𝑟𝑎𝑛 𝑏𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑟𝑎𝑎𝑛 𝑢𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖 𝑎...
21/11/2025

Gʀᴇᴇɴ Sᴛᴀʀᴛs ᴀᴛ Hᴏᴍᴇ

𝐼𝑝𝑖𝑛𝑎𝑔𝑙𝑎𝑙𝑎𝑏𝑎𝑛 𝑛𝑎t𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑛𝑖𝑚 𝑠𝑎 𝑠𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑘𝑢𝑟𝑎𝑛 𝑏𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑟𝑎𝑎𝑛 𝑢𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑢𝑡𝑟𝑖𝑠𝑦𝑜𝑛 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎, 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑡𝑖𝑝𝑖𝑑 𝑠𝑎 𝑔𝑎𝑠𝑡𝑢𝑠𝑖𝑛, 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑙𝑖𝑘𝑎𝑠𝑎𝑛, 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑜𝑚𝑢𝑛𝑖𝑑𝑎𝑑. 𝑆𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔ℎ𝑖𝑘𝑎𝑦𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑡𝑎𝑛𝑖𝑚 𝑛𝑔 𝑔𝑢𝑙𝑎𝑦, ℎ𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑚𝑜𝑡, 𝑎𝑡 𝑝𝑟𝑢𝑡𝑎𝑠, 𝑛𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑠 𝑚𝑎𝑙𝑢𝑠𝑜𝑔, 𝑚𝑎𝑠 𝑝𝑟𝑎𝑘𝑡𝑖𝑘𝑎𝑙, 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑠 ℎ𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑠𝑎𝑚𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑛.

"Kayang-kaya, Basta't Sama-sama."

17/10/2025

🎙️ BARANGAY ANNOUNCEMENT 🎙️

Magandang araw po sa lahat ng mga residente ng ating barangay!

Ipinababatid po ng PhilSys Team na magkakaroon ng Registration para sa mga wala pang National ID sa darating na Lunes, Oktubre 20, 2025, na gaganapin sa Suqui Health Center simula 8:30 ng umaga pataas.

Ang registration ay para sa mga sumusunod:
👵 Seniors
👨‍👩‍👧 4Ps Members
👶 Mga batang edad 0 hanggang 5 taong gulang

📋 MGA DADALHIN NA REQUIREMENTS:

Para sa 0–4 taong gulang:

*Birth Certificate ng bata

*National ID ng magulang o guardian
(Dapat ay kasama sa registration center ang magulang o guardian ng bata)

Para sa 5 taong gulang pataas:

Birth Certificate o anumang Valid Government-issued ID

📌 Paalala: Mangyaring dumating nang maaga upang maiwasan ang mahabang pila. Tulong-tulong po tayo upang maging matagumpay ang registration na ito.

Maraming salamat po! 🌻

🌻Paalala sa Lahat ng Magulang! 👶🧡Ngayong buwan ng Oktubre, magkakaroon ng pamimigay ng Vitamin A para sa mga batang may ...
15/10/2025

🌻Paalala sa Lahat ng Magulang! 👶🧡

Ngayong buwan ng Oktubre, magkakaroon ng pamimigay ng Vitamin A para sa mga batang may edad 6 hanggang 59 buwan.

Layunin nito na mapanatiling malusog ang paningin at resistensya ng ating mga anak laban sa iba’t ibang sakit.

Dito sa ating Barangay ay nagsisimula ng mamigay ang ating BNS na si Kristel Marie Noche Tolentino kasama ang mga BHWs na nakakasakop sa inyong Sityo sa pangunguna ng kanilang BHW leader Rhenalyn Almanon 🌻

✨ Cluster 1 Glow and Go: Zumba for a Healthier You! ✨Kahapon, Setyembre 24, 2025, matagumpay na isinagawa ng Cluster 1 n...
25/09/2025

✨ Cluster 1 Glow and Go: Zumba for a Healthier You! ✨

Kahapon, Setyembre 24, 2025, matagumpay na isinagawa ng Cluster 1 na binubuo ng 12 Barangay ang isang masiglang Zumba Activity sa Suqui Covered Court! 💃🕺
Bago ang sayawan, nagkaroon muna ng makabuluhang lecture tungkol sa obesity kasama sina Dra. Rachelle Arañez at Ms. Hazel Masongsong, RND, MPH 🩺🥗 na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman para sa mas malusog na pamumuhay. 🌱

Salamat sa lahat ng nakisaya at nakibahagi! Sama-sama nating isulong ang malusog na pangangatawan at masayang pamayanan! ❤️💪




🌻 091325Nakiisa ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Richard San Agustin sa ginanap na Run f...
13/09/2025

🌻 091325
Nakiisa ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Richard San Agustin sa ginanap na Run for Fun/ Color FunRun ng Suqui Elementary School na nagsimula ng 4am ng umaga sa Suqui Covered Court. Nilahukan ng mga g**o, estudyante at iba pang mga residente ng Barangay. Naroon din ang BHWs na nakaassist sa bawat stations para sa first aid at si BNS naman sa Hot Meals na nakaabang para sa mga nakilahok at ilang IEC materials tungkol sa kahalagahan ng pagiging aktibo upang maiwasan ang pagiging Obese bilang bahagi na din ng pagdiriwang ng Obesity Awareness Month. Ang buong Sangguniang Barangay ay buong pusong sumuporta sa programang ito ng paaralan.

🌻 Maraming Salamat mga dakilang nanay na handang matuto at madagdagan ang kaalaman para sa mas malusog at tamang pagpapa...
25/08/2025

🌻 Maraming Salamat mga dakilang nanay na handang matuto at madagdagan ang kaalaman para sa mas malusog at tamang pagpapalaki ng kanilang mga anak at magkaroon ng maayos na pamilya! 💐 Happy Breastfeeding Month sa inyo mga dakilang ina 🥳

24/07/2025

Kumusta po mga kabarangay?
Manatili lang po tayo sa ating tahanan lalo na ngayong panahon na maulan, at kung may banta ng pagbaha ay agad makipag ugnayan sa barangay para sa agarang paglikas. Keep Safe Everyone 🙏

🌻 Keep Safe everyone 🙏
24/07/2025

🌻 Keep Safe everyone 🙏

Address

Brgy. Suqui
Calapan
5200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Suqui Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram