Tigno-Capua Pharmacy

Tigno-Capua Pharmacy "Mura at Mabisang Gamot, Para sa Lahat"

AUGUSTo mo yan? Come and visit Tigno-Capua Pharmacy. Para sa Mura at mabisang gamot, para sa Lahat!
01/08/2025

AUGUSTo mo yan?

Come and visit Tigno-Capua Pharmacy. Para sa Mura at mabisang gamot, para sa Lahat!

24/07/2025
24/07/2025

🚨 DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA 🚨

Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. 🦠

Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.

Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.

Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. 📞




Isang Paalala! Mainam na sumangguni sa pinakamalapit na health center upang mabigyan ng gabay hinggil sa dose at tagal n...
24/07/2025

Isang Paalala!

Mainam na sumangguni sa pinakamalapit na health center upang mabigyan ng gabay hinggil sa dose at tagal ng pag-inom.

Keep Safe mga Kasuki!

Protektahan ang sarili laban sa banta ng Leptospirosis! Narito ang mga pangunahing gabay upang maiwasan ang sakit na LEP...
24/07/2025

Protektahan ang sarili laban sa banta ng Leptospirosis!

Narito ang mga pangunahing gabay upang maiwasan ang sakit na LEPTOSPIROSIS:

“LOW RISK”
- Isang beses lang lumusong sa baha
- Walang sugat na nababad sa baha
- Uminom ng 2 capsules ng Doxycycline 100mg/cap (Single Dose) sa loob ng 24-72 Oras mula nang lumusong sa baha

“MODERATE RISK”
- Isang beses lang lumusong sa baha
- Merong sugat na nababad sa baha
- Uminom ng 2 capsules ng Doxycycline 100mg/cap kada araw sa loob ng 3-5 araw, 24-72 oras mula nang lumusong sa baha

“HIGH RISK”
-Maraming beses at patuloy pang lumulusong sa baha
- Meron man o walang sugat
- Uminom ng 2 Capsules ng Doxycycline kada Linggo hanggang hindi na lumulusong sa baha

MAHALAGANG PAALALA!
Ang gamot na DOXYCYCLINE ay nakukuha/nabibili lamang kapag may reseta ng doktor.

Source: Department of Health

Mag iingat po tayong lahat at hanggat maari ay iwasan po mo na nating lumusong sa baha kung hindi kinakailangan.

24/07/2025

🚨 DOH NAGPAALALA SA KAHALAGAHAN NG PAGHUGAS NG KAMAY SA EVACUATION CENTER 🚨

Umabot na sa 29,814 ang bilang ng mga evacuees sa mga rehiyon ng I, II, III, MIMAROPA, V , VI, VII, IX, at CAR na naapektuhan ng ayon sa DOH Health Emergency Alert Reporting System (as of July 19, 2025).

Dahil dito, nagpapaala ang DOH sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa katawan lalo na sa evacuation centers.

Madaling kumalat ang mga sakit sa evacuation centers dahil marami ang tao sa iisang lugar.

Basahin ang larawan para manatiling ligtas laban sa mga sakit, nasaan man kayo ngayong maulan.




24/07/2025

🚨DOH: PANATILIHING LIGTAS SA KONTAMINASYON ANG INUMING TUBIG LALO NA NGAYONG MAULAN🚨

Sa panahon ng matinding pag-ulan, posibleng may kontaminasyon ang inuming tubig mula sa mga nasirang water at sewage pipes na nalubog sa baha.

Mahalagang tiyaking safe ang iniinom na tubig sa bahay man o sa evacuation center upang makaiwas sa sakit tulad ng cholera, diarrhea, at leptospirosis.

Ayon sa DOH Health Emergency Alert Reporting System, umabot sa 28,114 ang bilang ng mga evacuees sa 370 evacuation centers sa mga rehiyon ng‭ NCR,‬‭ I,‬‭ II,‬‭ III,‬‭ CALABARZON,‬‭ MIMAROPA,‬‭ V,‬‭ VI,‬‭ VII,‬‭ VIII,‬ IX,‬‭ X,‬‭ XI,‬‭ XII,‬‭ Caraga‬‭ at‬‭ CAR dahil sa Bagyong Crising at Southwest Monsoon. Kaya nakahanda na ang mga chlorine tablets bilang isa sa mga emergency commodities ng DOH para may malinis na inuming tubig ang mga lumikas.

Maaari ring pakuluan ang tubig sa loob ng 2 minuto bago inumin bukod sa paggamit ng chlorine tablets.



24/07/2025

‼️DOH: MAG-INGAT SA PANGANIB NG KURYENTE SA BAHA‼️

Mapanganib na malubog sa tubig na may live wire o saksakan, maging ang
madikit sa mga nakasaksak na appliances na nabasa o nalubog sa tubig. Maaari itong magdulot ng electical shock o pagkakuryente.

Payo ng DOH, iwasang malubog sa baha lalo na kung maaaring may electrical source na nakalubog dito. Patayin ang main switch ng kuryente o circuit breaker.

Anong maaring mangyari sa katawan kapag nakuryente?
🫀Cardiac Arrest - o paghinto ng puso dahil sa kuryente o electrical current

🫁Respiratory Arrest - dulot ng pagkaparalisa ng mga muscles na tumutulong sa paghinga

🧠Internal Organ Damage - maaaring mabilis na maapektuhan ng kuryente ang utak, bato at atay

🫲 Pagkasunog ng balat

🚨Maaaring magsagawa ng CPR sa isang taong nakuryente basta’t masigurong ligtas na ang kapaligiran. Sundin ang S.A.G.I.P. para sa mga hakbang.

Antabayanan din ang mga payo ng DOE: https://www.facebook.com/share/p/1CDA8ctTff/

24/07/2025

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







Panahon nanaman ng tag-ulan. Kaya naman mga kasuki, kailangan natin itong paghandaan. Proteksyonan ang sarili laban sa m...
11/07/2025

Panahon nanaman ng tag-ulan. Kaya naman mga kasuki, kailangan natin itong paghandaan.

Proteksyonan ang sarili laban sa mga nakaambang sakit na dulot ng tag-ulan.

Dito sa Tigno-Capua Pharmacy, Layunin namin na kayo ay matulungan.

Rainy Season Sulit Pack Para sainyo mga kasuki! Makatutulong upang labanan ang Lagnat, sakit ng Ulo, Sipon at Ubong may plema.

Ang dating 135.00 pesos, ngayon ay 128.00 pesos nalang para lamang sainyo mga kasuki at nakasave ka pa ng 7.00.

Ano pang hinihintay ninyo mga suki, Tara na at bumisita sa Tigno-Capua Pharmacy.

RAINY SEASON SULIT PACK NOW AVAILABLE!

Address

1072 Bued Calasiao Pangasinan
Calasiao
2418

Opening Hours

Monday 8am - 10pm
Tuesday 8am - 10pm
Wednesday 8am - 10pm
Thursday 8am - 10pm
Friday 8am - 10pm
Saturday 8am - 10pm
Sunday 2pm - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tigno-Capua Pharmacy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share