
07/07/2025
Antenatal check-up ni Mommy? Sundin ang 1-2-5 schedule!
Importante na makumpleto ang walong (8) Antenatal Check-up (ANC) habang buntis. Isang (1) beses sa unang trimester, dalawang (2) beses sa pangalawang trimester, at limang (5) beses sa ikatlong trimester.
Sa bawat ANC visit, matutulungan ka ng mga health professional sa iyong mga katanungan tungkol sa pagbubuntis, tamang pagpapasuso, at nutrisyon para kay mommy at baby.
Kumpletuhin ang walong check-up sa health center para siguradong ligtas at malusog si mommy at baby! Dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!