MapMeds Pharmacy

MapMeds Pharmacy Guiding you with a dose of care
Open daily from 8am-9pm

Looking for a complete but budget-friendly multivitamins? Mag-Eurivit-M na! 💊Hindi kailangang maging mahal ang pag-aalag...
10/01/2026

Looking for a complete but budget-friendly multivitamins? Mag-Eurivit-M na! 💊

Hindi kailangang maging mahal ang pag-aalaga sa sarili. Sa halagang ₱6.00 LANG, protected ka na laban sa sakit at pagod! 🛡️

Bakit nga ba ito recommended?
• Complete Vitamins: Loaded with Vitamins A, B-Complex, C, D, and E.
• Essential Minerals: May Iron at Calcium din for stronger bones and blood health.
• Immunity Booster: Para hindi basta-basta tablan ng sakit at laging energized.

Mas mainam na inumin ang Eurivit-M sa umaga pagkatapos kumain (after breakfast). Ito ay para mas ma-absorb ng body ang nutrients at mabigyan ka ng energy sa buong araw! ☀️

Ang Eurivit-M ay karaniwang nirerekomenda para sa mga adults (18 years old and above).

Wala nang rason para kalimutan ang health dahil abot-kaya na! 💯

📍AVAILABLE NA DITO SA ATING BOTIKA! Mag-stock up na para sa buong pamilya. Stay protected with Eurivit-M!

26/12/2025

Kahit holiday, wag nating kalimutan ang ating health goals! Especially for our loved ones (or ourselves) na may high blood, high cholesterol, or diabetes, here are some quick reminders para mas ma-enjoy ang food the safe way:

1. The "Plate Method" Strategy 🥗
Sa dami ng handa, madaling maparami. Try the Half-and-Half rule:
• Fill half your plate with vegetables/fiber first.
• The other half is for the proteins (lechon, ham) and carbs.
Bakit? Fiber helps absorb some of the fats and keeps your sugar from spiking.

2. Watch the "Hidden" Salt 🧂
Ang hamon, queso de bola, at sawsawan are sodium bombs.
Pro-tip: Go easy sa gravy at bagoong. Water is your best friend today to help flush out the extra sodium and keep your blood pressure stable.

3. Choose Your "Fat" Wisely 🥩
Kung may lechon, piliin ang meat, 'wag yung balat (I know, mahirap!). If may options, go for the fish or the white meat ng chicken without the skin. High cholesterol doesn't mean you can't eat, it just means you have to be selective.

4. Alcohol & Sweets in Moderation 🍷
Watch out for the fruit salad! One serving is enough to satisfy the craving. Limit alcohol too, as it can interfere with BP medications and add "empty" calories.

5. 'Wag Kalimutan ang Gamot! 💊
In the middle of the busyness, baka makalimutan ang maintenance meds. Set an alarm sa phone para siguradong on time pa rin.

Bottomline: Hindi kailangang mag-diet nang sobra, kailangan lang maging mindful. We want to celebrate more holidays for the years to come! 🥂

The power of taking your Meds On Time. Naiisip mo ba minsan, "Okay lang kaya kung ma-late ako ng konti sa gamot ko?" 🤔We...
18/12/2025

The power of taking your Meds On Time.

Naiisip mo ba minsan, "Okay lang kaya kung ma-late ako ng konti sa gamot ko?" 🤔

We want to remind you that consistency is your best ally when it comes to managing your health!

Importante ang pag-inom ng gamot on-time at narito ang ilan sa mga benepisyo nito:
• Steady Level: Your body needs a consistent level of medication in your system to effectively fight the disease or control your condition. Kapag may gaps, the medicine's effect weakens.
• Maximum Benefit: Para makuha mo ang full potential ng gamot mo, it must be taken exactly as prescribed by your doctor. Hindi lang ito random timing.
• Avoid Resistance: Sa mga antibiotics, super critical na tapusin mo ang whole course, on time! This prevents harmful bacteria from becoming resistant to the treatment.

Pro-Tip! ⏰
Set an alarm or use a daily routine cue (like after brushing your teeth or before your favorite show) to remember your meds!

Huwag kalimutang mag-consult sa iyong attending doctor o sa pinakamalapit na pharmacist if you have any questions about your dosage or schedule. We are here to help you stay on track and stay healthy!

Ikaw, how do you remember to take your meds?
Share your tip in the comments below! 👇

Like and follow our page for more health tips 💜

16/12/2025

Vitamin B Complex: Ang All-in-One Energy and Immunity Booster Mo! 💪

Alam niyo ba na ang Vitamin B Complex ay hindi lang isang klase ng bitamina? Sila ay isang squad ng walong (8) essential B vitamins na super important para sa katawan!

Ano ang Gamit Nito?
Ang B Complex ang fuel ng ating katawan! Sila ang tumutulong sa mga sumusunod:

• Pampalakas: Sila ang nagko-convert ng kinakain nating food (kanin, ulam, etc.) into usable energy. Kaya kung laging pagod (fatigue), B vitamins ang sagot!
• Para sa nerves at utak (Nerve Health): Sila ay crucial para sa ating nerve health at tumutulong mag-produce ng chemicals na nagre-regulate ng mood at tulog.
• Pang-iwas at pantulong sa ngalay, ngimi, at tusok-tusok (Peripheral Neuropathy). Pinoprotektahan at inaayos nito ang mga nerves na sanhi ng mga pakiramdam na ito.
• Pang-Dugo (Red Blood Cells): Ang Folic Acid (B9) at B12 ay kailangan para gumawa ng malulusog na red blood cells na nagdadala ng oxygen sa buong katawan.

Kailan at Paano Inumin? ⏰
Para mas effective at maiwasan ang side effects, sundin ito:
• Best Time: Inumin ito tuwing umaga (morning). Dahil nagbibigay ito ng energy, mas maganda kung kasabay ng simula ng araw mo para buong araw kang active! Huwag masyadong gabi para hindi maapektuhan ang tulog.
• Best Way: Laging inumin kasabay ng pagkain (with a meal). Ang pag-take nito nang walang laman ang tiyan ay minsan nagdudulot ng bahagyang pagduduwal (mild nausea). Mas maganda rin ang absorption kapag may kasabay na food!

Possible Side Effects: Ano ang Dapat Bantayan?
Huwag mag-alala, safe inumin ang B Complex! Pero may dalawang bagay na kadalasang nangyayari:

1. Masyadong dilaw na ihi (Dark Yellow Urine): Normal lang 'yan! Excess Riboflavin (B2) lang ang nilalabas ng katawan mo. Walang danger.
2. Panandaliang Pamumula/Pangangati (Flushing): Minsan, ang mataas na dose ng Niacin (B3) ay nagdudulot ng init at pamumula sa skin. Pero kusa itong nawawala.

Paalala: Kung may existing medical condition ka or umiinom ka ng maintenance meds, magtanong muna sa iyong doktor bago mag-start mag-take ng supplement!

Like and follow our page for more health tips!! 💜

11/12/2025

Bilis-Galing Tips Para sa Sore Throat o Namamagang Lalamunan 😮‍💨

Sino-sino diyan ang bigla na lang sumasakit ang lalamunan? Huwag mag-panic! Narito ang ilang DAPAT GAWIN at inumin para maibsan ang sakit:

Initial Steps
• REST is the best! Hayaan mo munang mag-recover ang katawan mo. Iwasan ang pagod at stress.
• Mag-gargle ng maligamgam na tubig na may asin (1/2 kutsarita ng asin sa isang baso ng maligamgam na tubig)
• Mag-gargle kada 2-3 oras. Nakakatulong ito para mabawasan ang swelling at pain.
• Iwasan ang Irritants: Iwasana muna ang paninigarilyo at iwasan ang mga lugar na may matapang na amoy.
• Avoid Colds & Ice: Huwag muna uminom ng sobrang lamig na inumin at kumain ng ice cream.
• Maaari ka ring pumunta sa pinakamalapit na botika at magtanong kung ano ang available na gargle para sa sintomas mo.

Anong Dapat Inumin
Warm Fluids: Ang mainit na inumin ay nakakarelax sa lalamunan.
Subukan ang:
> Honey and Lemon Tea: Nakakabawas ng irritation at cough.
> Ginger Tea (Salabat): May natural na anti-inflammatory properties.
> Plain Warm Water: Panatilihing hydrated ang katawan
> Room Temperature Water: Uminom ng maraming tubig para manatiling moist ang lalamunan at tulungan ang katawan na labanan ang impeksiyon.

Kelan Dapat Magpakonsulta?
Kailangan mo nang kumonsulta sa doktor kung:
1. Kung ang lagnat mo ay 38.3°C (101°F) o mas mataas, at hindi bumababa.
2. Kung halos hindi ka na makalunok ng laway o tubig.
3. Namamaga ang tonsils at may white spots:
4. Kung ang sore throat mo ay tumagal na ng 5-7 araw at hindi pa rin gumagaling.
5. Hirap Huminga: Ito ay emergency. Agad magpakonsulta.

PAALALA: Ang mga tips na ito ay para lang sa initial relief. Kung lalong lumala ang pakiramdam mo, MAGPAKONSULTA AGAD SA DOKTOR!

Like and follow us for more health tips! 💜

03/12/2025

Alamin ang limitasyon ng Self-Medication: Kailan dapat magpatingin sa doktor? 👩‍⚕️

Mula sa simpleng sipon, stomach issues, allergies, at iba pang mga simpleng sakit, ito ay madaling solusyonan ng mga gamot na nabibili natin over the counter. Pero may mga pagkakataon na importante ang evaluation ng doktor.

Heto ang mga key signs:

1. MGA SINTOMAS NA HINDI GUMAGALING
Kung sinubukan mo na ang OTC meds sa loob ng 3–5 days at wala pa ring pagbabago (o lalo pang lumalala), it's time for a medical check-up.

2. LAGNAT NA HINDI BUMABABA
Ang lagnat na tumatagal nang higit sa 48–72 oras, lalo na sa mga bata, seniors, o may existing conditions, ay nangangailangan ng tamang diagnosis.

3. SEVERE PAIN
Ang intense headaches, chest pain, abdominal pain, o sakit na bago at unexplained ay hindi dapat i-handle lang ng OTC pain relievers.

4. HIRAP SA PAGHINGA
Ang shortness of breath, wheezing, o persistent cough ay maaaring senyales ng mga impeksyon tulad ng pneumonia o asthma complications.

5. SUSPECTED INFECTION
Kung may burning during urination, nana (pus), kumakalat na skin infection, severe sore throat, o anumang symptom na nangangailangan ng antibiotics, kailangan mo nang magpakonsulta sa doktor.

6. CHRONIC CONDITIONS NA UMAATAKE
Kung mayroon kang hypertension, diabetes, asthma, o iba pang chronic illnesses na biglang naging uncontrolled, huwag mag-self-medicate.

7. UNUSUAL SYMPTOMS
Ang unexplained weight loss, lumps, persistent fatigue, dizziness, o anumang pakiramdam na “off” sa loob ng ilang linggo ay kelangan na ng medical evaluation.

Tandaan: Ang kalusugan ay hindi pwedeng ipagpaliban. Kung may doubt ka sa iyong nararamdaman, mas mabuting magpakonsulta kaysa maghintay pa. Ang early detection ay susi sa mabilis at mas madaling paggaling.

Stay Healthy and Informed! Like and follow us for more health tips and reminders. 💙

Monday Mantra:Work hard, recharge harder. Give your best effort this Monday, but always remember, a quick rest is a prod...
01/12/2025

Monday Mantra:
Work hard, recharge harder. Give your best effort this Monday, but always remember, a quick rest is a productive pause. Give yourself permission to step back when you need it. 💚

Your kidneys work hard for you. Show them some care by committing to a healthier lifestyle today! 🤗💙
25/11/2025

Your kidneys work hard for you. Show them some care by committing to a healthier lifestyle today! 🤗💙

Gaano katagal stable o ligtas inumin ang mga gamot na syrup kapag nabuksan na?Bumababa ang stability ng gamot kapag nabu...
05/10/2025

Gaano katagal stable o ligtas inumin ang mga gamot na syrup kapag nabuksan na?

Bumababa ang stability ng gamot kapag nabuksan na ito dahil sa exposure sa hangin, ilaw, at bacteria. Pero hindi agad ito masisira kung ito ay properly stored.

Karamihan sa mga syrup (para sa lagnat, ubo, sipon, vitamins, at iba pa) ay stable up to 6 months matapos buksan, basta:

✔️Naka-store sa room temperature (below 25–30°C)
✔️Malayo sa init at direktang sikat ng araw
✔️Laging mahigpit ang takip upang maiwasan ang contamination

💡 Tandaan:
• Maaaring mas maiksi o mas matagal ang stability depende sa formulation at preservatives ng gamot.
• Kung may specific na instruction ang manufacturer na makikita sa box ng gamot, iyon ang dapat sundin.
• Isulat ang petsa kung kailan binuksan ang bote para mas madaling ma-monitor.
• Sundin palagi ang expiry date na nakasulat sa box o bote ng gamot kahit hindi pa lumilipas ang 6 na buwan matapos buksan, huwag nang gamitin kung expired na ito.
• Kung may pagbabago sa amoy, kulay, o consistency ng syrup, huwag na itong inumin.

Like and follow us for more tips, health guides, and doses of care! 💙

Paano Maiiwasan ang OVERDOSAGE at UNDERDOSAGE sa Liquid Medicines? Pagdating sa gamot, lalo na sa drops, syrup o suspens...
03/10/2025

Paano Maiiwasan ang OVERDOSAGE at UNDERDOSAGE sa Liquid Medicines?

Pagdating sa gamot, lalo na sa drops, syrup o suspension (tulad ng antibiotics, multivitamins, gamot sa lagnat, ubo, sipon at iba pa), the right measurement matters!

🚫 Huwag gumamit ng kitchen spoons. Wala itong standard size, kaya pwedeng magkulang o sumobra ang iniinom mong gamot.

✅ Mas mainam na gumamit ng:
✔️Oral syringe
✔️Medicine dropper
✔️Medicine cup

Minsan nakasulat sa reseta ang tsp o tbsp. Kailangan alam din natin ang exact conversion upang hindi sumobra (overdose) o magkulang (underdose) ang iinumin nating gamot.

Tandaan ang conversion:
🥄1 tsp = 5 mL
🥄1 tbsp = 15 mL

Kapag tama ang sukat = mas effective ang gamot at mas safe para sa pasyente.

Paalala❗️
Tapusin ang pag-inom ng antibiotics ayon sa reseta ng inyong doktor. Huwag itigil kahit nakararamdam na ng ginhawa dahil maaari itong magdulot ng antibiotic resistance o pagkawala ng bisa ng gamot. Kung nakaramdam ng kakaibang sintomas, kumonsulta agad sa doktor.

Like and follow us for more tips, health guides, and doses of care! 💜

Ano ang Corticosteroids?Ang corticosteroids (tinatawag ding glucocorticoids o “steroids”) ay prescription medicines na g...
28/09/2025

Ano ang Corticosteroids?

Ang corticosteroids (tinatawag ding glucocorticoids o “steroids”) ay prescription medicines na ginagamit para bawasan ang pamamaga (inflammation) at kontrolin ang overactive na immune system.
Ito ay synthetic (human-made) drugs na ginaya mula sa cortisol—isang natural na hormone mula sa adrenal glands.

Para saan ito ginagamit?
✔️ Allergy at Asthma
✔️ Autoimmune diseases
✔️ Skin conditions
✔️ Pamamaga (inflammation)

Mga Halimbawa ng Corticosteroids
💊Prednisone
💊Prednisolone
💊Dexamethasone
💊Methylprednisolone
🧴Hydrocortisone
🧴Betamethasone

Available Dosage Forms
💊Oral – tablets, capsules, syrups, solutions
💉Injectable – IV (intravenous), IM (intramuscular), intra-articular (diretso sa kasu-kasuan), intralesional (diretso sa skin lesion)
🧴Topical – creams, ointments, lotions, gels
👄Inhalation – inhalers, nebulizer solutions
👃🏼Intranasal – nasal sprays
👀Ophthalmic – eye drops, ointments
👂Otic – ear drops
🍑Rectal – suppositories, enemas

Bakit kailangan nito ng reseta?
⚠️ Potent drugs – malakas ang epekto at posibleng magdulot ng malubhang side effects kung mali ang paggamit
⚠️ Pwedeng lumala ang infection kung basta lang iniinom o ginagamit
⚠️ Kailangang kontrolin ang dose at duration under the guidance of a doctor

Posibleng Side Effects
• Pagdagdag ng timbang (Cushing’s Syndrome)
• Mood swings
• Hirap na pagtulog (insomnia)
• Stomach irritation o ulcer
• Mataas na blood sugar (risk ng diabetes)
• Mas madaling kapitan ng infection
• Long-term use: osteoporosis, glaucoma, cataract

Paalala!
✅ Sundin ang reseta ng doktor – huwag dagdagan o bawasan ang dose
✅ Huwag biglang ihinto – kailangan ng maingat at unti-unting pagsisimula at pagtigil ng pag-inom, ayon sa payo ng doktor
✅ Inumin kasabay ng pagkain para maiwasan ang pagsakit ng tiyan
✅ Kung may lagnat, infection, o kakaibang sintomas → kumonsulta agad sa inyong doktor
✅ Kung gumagamit ng inhaler (lalo na kung may lamang corticosteroid), mainam na magmumog ng tubig pagkatapos gamitin upang maiwasan ang pagkakaroon ng oral thrush

👉 Tandaan: Life-saving ang corticosteroids kung tama ang paggamit, pero delikado kung mali.

Like and follow us for more! 🩵

18/09/2025

DOH: GENERICS NA GAMOT, LIGTAS AT MABISA KATULAD NG BRANDED

Abot-kaya ang generics na gamot. Epektibo at de-kalidad rin ito katulad ng mga gamot na branded.

Alinsunod sa Generics Act of 1988, paalala ng DOH:

✅ Dapat na may generic name ang gamot sa iyong reseta

✅ Dapat nakasulat nang malinaw at nakalagay sa itaas ng brand name ang generic name sa lahat ng labels, ads, at iba pang promotional materials

Tandaan: Kumuha lang ng mga gamot sa mga lihitimong health centers, klinika, at botika para makasigurong ligtas ang gamot na mabibili o makukuha.




Address

Rizal Street Brgy. Cinco
Calauag
4318

Opening Hours

Monday 7am - 8pm
Tuesday 7am - 8pm
Wednesday 7am - 8pm
Thursday 7am - 8pm
Friday 7am - 8pm
Saturday 7am - 8pm
Sunday 7am - 8pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MapMeds Pharmacy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram