19/08/2025
Buntis kaba? Nanganak o manganganak palang.?
(BINAT)
MEDICAL CONDITION.
Mas delikado o mas mahirap pa ang binat pagkatapos manganak kaysa manganak. May nabalitaan ka na bang naging baliw o nasiraan ng bait? O ang masaklap pa ay namatay o binawian ng buhay ng dahil sa binat?
Pero ano nga ba ang binat?
Ang binat o relapse sa English ay isang medical condition kung saan di ka pa ganap na gumagaling. Kadalasan nangyayari ito kapag ikaw ay kasalukuyang nagpapagaling pero sa gitna ng pagpapagaling o recovery period mo ay nagkaroon ka ulit ng karamdaman.
ANG BINAT AY HINDI TULUYANG NAWAWALA HANGGA'T DI PA UMAABOT NG 9 NA TAON ANG MISMONG BATANG NA ILUWAL MO. KAYA IT REALY TAKES TIME PARA TULUY GUMALING ANG KATAWAN NG BABAE O MAIBALIK SA TAMANG KONDISYON ANG KATAWAN.
MGA SANHI NG BINAT.
1.Pagpapagod
2.Stress
3.Kakulangan sa Nutrisyon
4.Puyat
5.Nalipasan ng gutom
MGA SINTOMAS
1.Panlalamig
2.Sakit ng Katawan
3.Sakit ng ulo
4.Lagnat
5.Pagod, panghihina o panlalata
6.Pagpapawis
7.Dehydration
Maging friendly tau sa mga Nanay lalo na sa mga bagong panganak. Hindi biro ang magluwal ng bata knowing ang isang paa nito ay nasa hukay.
Huwag sana tayo magbigay ng mabibigat na gawain sa kanila o iwasan natin maging contributing factor ng stress nila na magiging sanhi ng pagkakaroon ng kanilang binat.
Imagine the 9 years healing process ng isang Nanay sa isang bata. Post Partum is really hard to deal pero kinakaya lang ito ng isang Ina dahil merung isang maliit na tao na umaasa sa kaniyang buong lakas.
SOLUSYON SA BINAT.
1.Magpahinga
2.Kumain ng Masustansiya
3.Iwasan ang pisikal na pagpapagod o ma-over fatigue
Kaya sa mga new moms and soon to be moms, extra ingat tayo sa sarili natin. 🫶
--CTTO ❤️