02/02/2023
BE INFORMATIVE!!! LEARN THE TRUTH AND KNOW YOUR RIGHTS!!
REPUBLIC ACT NO. 9482 โAnti-Rabies Act of 2007โ
Sec. 11. Maaring Multa
Sec 11.1 Ang mga may-ari na hindi pinarehistro o pinabakunahan ang kanilang alaga ay pagbabayarin ng Dalawang libong piso (โฑ 2,000.00).
Sec 11.2 Ang mga may-ari na tumanggi na pabakunahan ang kanilang alaga ay pagbabayarin sa bakuna na kanilang alaga at sa mga makakagat ng kanilang alagang a*o.
Sec 11.3 Ang mga may-ari na tumanggi na pa-obserbahan ang kanilang a*o matapos na makakagat ay papatawan ng Sampung libong piso (โฑ 10,000.00) na multa.
Sec 11.4 Ang mga may-ari na tumanggi na pa-obserbahan ang kanilang a*o matapos na makakagat at hindi binayaran ang gastusing medikal ng nakagat ng kanilang a*o ay papatawan ng Dalawampuโt limang libong piso (โฑ 25,000.00) na multa.
Sec 11.5 Ang mga may-ari na tumanggi lagyan ng tali o leash ang kanilang a*o habang nasa labas ay papatawan ng Limang daang piso (โฑ 500.00) na multa sa bawat paglabag.
Sec 11.6 Ang na-impound na a*o sa ibibigay lamang sa kanyang mar-ari matapos magbayad ng multa na Limang daang piso (โฑ 500.00) hanggang Isang Libong Piso (โฑ 1,000.00).
Sec 11.7 Ang mahuhuli at mapapatunayan na nagbebenta ng karne ng a*o ay pagbabayarin ng hindi bababa sa Limang Libong Piso (โฑ 5,000.00) at makukulong ng isa hanggan apat na taon.
Sec 11.8 Ang mahuhuli at mapapatunayan na kinukuryente ang a*o bilang euthanasia ay pagbabayarin ng hindi bababa sa Limang Libong Piso (โฑ 5,000.00) bawat insidente at makukulong ng isa hanggan apat na taon.
Sec. 11.9 Kapag ang lumabag sa batas ay dayuhan, siya ay papabalikin sa kanyang bansa pagkatapos ng kaniyang parusa.