26/02/2023
Credit to the Video Owner
Ang kagat o kalmot ng A*o o Pusa ay huwag isapagwalang bahala, Ang Rabies ay kayang bumawi ng Buhay.
Magpabakuna agad kung kayo ay nakagat o nakalmot ng alaga o galang a*o o pusa.
Tala Harmony Animal Bite Clinic ay bukas 24 hours para sa inyo! 💉
📞0906-666-6721
📞0947-827-3200
Kagat ng A*o at Pusa
Payo ni Doc Willie Ong
Maraming Pilipino ang nakakagat ng a*o o pusa. Delikado po ito dahil puwede itong magdulot ng rabies. Sa bawat taon, 600 Pilipino ang namamatay sa rabies, at 100,000 naman ang binabakunahan laban sa rabies.
Ang rabies ay nakukuha sa laway ng a*o, pusa, daga at paniki na may sakit ng rabies. Kapag tinamaan ang pasyente ng rabies, maghihintay pa ng 3 hanggang 8 linggo bago magkakaroon ng sintomas. Ang sintomas ng rabies ay ang pamamanhid sa lugar ng sugat, pagwawala, paglalaway at paninigas ng mukha.
Tandaan: Kapag nagkaroon na ng sintomas ng rabies ay mahirap na itong gamutin. Dahil dito, kailangan nating maagapan ang lahat ng kagat ng a*o at pusa.
First-Aid Sa Kagat Ng A*o at Pusa:
1. Hugasan ang sugat gamit ang sabon at tubig sa loob ng 10 minuto.
2. Lagyan ng povidone iodine ang sugat. Huwag lagyan ng ointment o takpan ng masikip ang sugat. Gusto nating lumabas ang laway ng hayop na posibleng may dala ng rabies.
3. Tandaan: Huwag lagyan ng bawang, s**a, patis o toyo ang sugat. Hindi ito nakagagamot at baka magdulot pa ng tetanus.
4. Dalhin kaagad ang pasyente sa ospital o Animal Bite Center tulad ng PGH sa Taft Avenue, San Lazaro Hospital sa Tayuman, Manila, RITM sa Alabang at mga malalaking ospital.
5. Hulihin ang a*o at obserbahan ito ng 10 araw. Kapag nagpakita ang a*o ng senyales ng rabies (naglalaway at nagwawala), dalhin ito sa nakatakdang ospital (tulad ng RITM) para ma-eksamen ang utak ng hayop.
Kailan Nagbibigay Ng Bakuna:
1. Kapag nalawayan ka lang ng hayop at wala namang sugat sa balat, ligtas ito at hindi kailangang magpabakuna.
2. Ngunit kapag nakagat ng hayop at may sugat, kailangan ng bakuna laban sa rabies. Obserbahan ang a*o ng 10 araw. Kapag walang nangyari sa hayop, ang ibig sabihin ay wala itong rabies at ligtas ang pasyente.
3. Kapag malalim ang kagat ng a*o, o nakagat sa bandang mukha o leeg, kailangan agad bigyan ng bakuna at gamot ang pasyente. Dalhin agad sa mga nabanggit na ospital.
Tips Para Makaiwas Sa Rabies:
1. Para makaiwas sa sakuna at makasakit ng ibang tao, pabakunahan ang inyong mga alagang a*o.
2. Huwag hayaang makawala ang a*o at lagyan ito ng tali.
3. I-report ang gumagalang a*o sa awtoridad.
4. Kapag naglalakad sa kalsada, magdala ng payong para may pang-taboy kayo ng a*o.
5. Huwag hayaan ang bata na maglaro sa hindi ninyo alagang hayop.
6. Huwag guguluhin ang mga hayop habang sila ay kumakain, natutulog o nag-aalaga ng kanilang anak.
7. Kapag may sugat kayo sa katawan, huwag hayaang dilaan ng a*o ang iyong sugat at baka mahawahan ka ng rabies virus.
8. Sa mga nag-aalaga ng hayop, puwede kayong magpabakuna na laban sa rabies. Kumonsulta sa inyong doktor.