27/11/2025
⚠️ V**E IS NOT 100% SAFE ⚠️
‼️ Kahit amoy candy o fruity v***r, ayon sa mga pag-aaral, ang usok mula sa v**e ay naglalaman ng mga mapanganib na kemikal na maaaring magdulot ng sakit sa baga, sakit sa puso at cancer.
‼️ Maraming magulang at non-smokers ang nag-aalala dahil kahit hindi sila nagva-v**e, sila at ang mga bata ang naaapektuhan ng kemikal sa hangin, sa damit, sa buhok, at sa loob ng bahay o kotse.
❓ BAKIT HINDI RIN LIGTAS ANG V**E AT ANG POSIBLENG KONEKSYON NITO SA CANCER
👉🏼 Maraming tao ang nag-iisip na ang va**ng ay safe alternative sa sigarilyo, pero ang v**e ay mayroon ding mga kemikal na delikado sa ating kalusugan, at may potensyal na magdulot ng cancer.
1️⃣ Puro kemikal!
• NI****NE: Kahit gaano kababa ang dose, ang ni****ne ay isang addictive substance. Nakakasama ito sa puso at utak at pwedeng magdulot ng high blood pressure.
• FLAVORINGS: 'Yung bango at lasa ng v**e ay galing sa mga kemikal na pwedeng maging toxic kapag ininit at inihinga. Halimbawa, ang diacetyl ay konektado sa "popcorn lung" (bronchiolitis obliterans).
• FORMALDEHYDE, ACROLEIN, at iba pa: Ito ay mga carcinogens (cancer-causing chemicals) na nabubuo kapag umiinit ang e-liquid. Nakakasira sila ng lungs at ng cells sa ating katawan.
2️⃣ Pwedeng magdulot ng mutation
• 'Yung mga toxic chemicals na nasa v**e ay pwedeng makasira sa ating DNA (genetic material sa loob ng cells).
• Kapag nasira ang DNA, pwedeng magkaroon ng mutations o abnormalities na maaaring maging simula ng cancer.
• Ang damaged cells na ito ay pwedeng maging uncontrolled at dumami, na eventually ay pwedeng maging cancer cells at bumuo ng tumor.
3️⃣ Long-term effects
• Ang patuloy na paggamit ng v**e ay pwedeng magdulot ng seryosong problema sa baga (lungs), tulad ng chronic (long-term) cough, asthma attacks at iba pang respiratory illnesses.
• Dahil sa posibleng mutations na dulot ng chemicals, malaki ang risk na magkaroon ng iba't ibang uri ng cancer, lalo na sa baga, bibig at lalamunan.
• Hindi lang sa lungs, pati sa puso at iba pang organs ay pwedeng maapektuhan dahil sa toxins na hinihinga.
⚠️ MAHALAGA: Relatively bagong produkto pa lamang ang v**e. Kailangan pa ng 10-20 taon o mas matagal pa ng pag-aaral at data para lubusang makumpirma ang lahat ng long-term health effects nito, kasama na ang buong extent ng cancer risk. Gayunpaman, batay sa mga kemikal na sangkap at paunang pag-aaral, malaki pa rin ang babala sa posibleng masamang epekto nito sa kalusugan.
⚠️ INGAT SA V**E! Better safe than sorry. Walang "safe level" ng paggamit ng v**e. Ang pinakamainam ay iwasan ito nang tuluyan para mapangalagaan ang kalusugan at maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng cancer at iba pang malalang sakit, at maprotektahan pati ang mga mahal sa buhay at iba pang mga tao sa paligid.