Malaria Health Center - Brgy. 185, Caloocan City

Malaria Health Center - Brgy. 185, Caloocan City This is the official page of Malaria Health Center situated in Ascoville Rd. Malaria, Caloocan City.

18/08/2025

Sa mga buntis po na may sched on Thursday and next week, pwede na po kayong bumisita today from 8am upto 4pm only. Nasa seminar po me from Aug 20-22 and 26-29. Maraming slmat po

12/08/2025

𝗣π—₯π—œπ—’π—₯π—œπ—§π—œπ—­π—˜ 𝗕π—₯π—˜π—”π—¦π—§π—™π—˜π—˜π——π—œπ—‘π—š: 𝗖π—₯π—˜π—”π—§π—˜ π—¦π—¨π—¦π—§π—”π—œπ—‘π—”π—•π—Ÿπ—˜ 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗒π—₯𝗧 π—¦π—¬π—¦π—§π—˜π— π—¦

Ngayong buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang at pinalalakas ang kamalayan sa kahalagahan ng pagpapasuso bilang pundasyon ng malusog na kinabukasan para sa ating mga sanggol. Sa unang 1000 days, mahalagang mabigyan si baby ng tamang nutrisyon at proteksyon mula sa ina β€” at nagsisimula ito sa exclusive breastfeeding.

Bakit mahalaga ang exclusive breastfeeding?
Ito ay kumpleto sa nutrisyon para kay baby, may natural na panlaban sa sakit, libre, laging handa, mas ligtas at isang paraan din ng family planning.

Paano masisimulan?
1. Simulan sa eksklusibong pagpapasuso sa unang 6 na buwan.
2. Ipagpatuloy ang pagpapasuso at magdagdag ng masusustansyang pagkain sa mga bata mula 6 na buwan pataas.
3. Tiyaking nakakain si Nanay ng masustansyang pagkain, may sapat na pahinga, at nasusuportahan sa kaniyang emotional needs.

Breastfeeding: Simula ng malusog at masayang kinabukasan!




Written By: ND Ana Yasmin C. Yabut

11/08/2025

Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Along Malapitan
Caloocan Health Department sa pamumuno ni Dr. Fernando S. Santos
Mahalagang Paalala po sa lahat:
*WALANG BAYAD ang pagpapatingin at pagpapagamot sa mga health center
*IPINAGBABAWAL ANG DONASYON
pagbigay at pagtanggap sa ating mga health worker
πŸ“·: Caloocan PIO

BAKUNA ESKWELA 2025 AT MARCELO H. DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOLMaraming salamat po sa mga magulang sa pakikiisa at suporta...
07/08/2025

BAKUNA ESKWELA 2025 AT MARCELO H. DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOL

Maraming salamat po sa mga magulang sa pakikiisa at suporta sa ating bakunahan.

Bakuna laban sa MEASLES-RUBELLA, TETANUS-DIPTHERIA AT HPV πŸ’‰πŸ’‰πŸ’‰

Ang mga bakunang eto ay LIGTAS AT EPEKTIBO. ito ay magbibigay BOOSTER o karagdagang Proteksyon para sa inyong mga anak. πŸ₯°

GRADE 1 at 7: Measles-Rubella, Tetanus-Diphtheria vaccination
GRADE 2: Catch up ng mga hindi nabakunahan last year ng Measles-Rubella, Tetanus-Diphtheria
Grade 4: Human Papillomavirus vaccination (9-14 years old na babae lamang)

Maraming salamat din po sa aming punong brgy Barangay 185 Caloocan City Punong Barangay Rodolfo β€œKap Ato” Oliva and counsil . Sa walang sawang suporta at pag papahiram ng kanilang service at nka antabay na ambulansya sa labas ng paaralan… πŸ₯°

Maraming salamat din po sa ating mga Health Center staff 🫢🏻


Ang batang bakunado, protektado. πŸ”°πŸ”°

11/07/2025
05/07/2025

HIV SCREENING FOR PREGNANT
WILL BE ON JULY 22, 2025, TUESDAY, 8-11 AM.

16/06/2025

Magpa prenatal na. Alagaan ang sarili at ang sanggol sa iyong sinapupunan .Simulan na maaga ang magpa check up as early as 12 wks. Magtungo sa ating health center. Have your regular pre natal check up.

12/06/2025

Magtungo na sa ating health center at mapakunahan ang inyong mga anak na babae edad 9-14 year old laban sa HPV.

Address

Ascoville Rd. Malaria, Brgy. 185
Caloocan
1427

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malaria Health Center - Brgy. 185, Caloocan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram