DJNRMHS Psychology

DJNRMHS Psychology Mental Health Services

28/07/2025

Magandang araw po,

Muli pong paalala, kami po ay tumatanggap ng inquiries tuwing Tuesday hanggang Thursday, 9AM to 4PM (except Holidays and Suspensions).

Sa kasalukuyan po, kami po ay tumatawag sa mga nakaschedule noong July 22 hanggang July 25 para sa kanilang mga bagong appointments.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

23/07/2025

Announcement:

Muli pong sarado ang ating OPD bukas, July 24, 2025. Para sa mga nakaschedule bukas, pakihintay po ang aming update sa inyong bagong schedule.
Para sa mga nagiinquire, kami po ay muling tatanggap ng mga inquiries kapag muli pong nagbukas ang OPD.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at stay safe.

22/07/2025

Announcement!

Dahil sa masamang lagay ng panahon at pagsasara ng OPD, ang mga nakaschedule sa amin ngayong araw, July 22, 2025 at bukas, July 23, 2025 ay mabibigyan po ng panibagong mga appointment schedules. Pakihintay po ang aming text message para sa update.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at stay safe.

11/07/2025

Magandang araw po!

Starting July 15, 2025, kami po ay tatanggap na muli ng magpapa-schedule for Psychological Assessment sa aming contact number: 09657215077

Ang posible pong maibigay na schedule ay sa mga huling buwan na po ng 2025.

Para sa mga nakapag fill-up po ng appointment form na hindi po nakakareceive ng tawag, magtatawag po ulit kami ngayong araw hanggang monday. Marami po sa mga nakapag fill-up na hindi po matawagan ang contact numbers na binigay nila. Kapag po hindi pa rin namin kayo matawagan, pakitawagan po kami sa July 15, 2025.

Paalala lamang po, ang prices po ng aming serbisyo ay ang mga sumusunod:

Psychological Assessment - 100 pesos
Neuropsychological Test (for employment) - 700 pesos
Counseling/Psychotherapy - 50 pesos

Ang mga fee po ay babayaran sa Cashier ng hospital at bibigyan po kayo ng resibo. Pwede rin po ito ilapit sa Malasakit Center.

For any further concerns, pwede po kayo magpunta sa aming office o tumawag sa 09657215077 from 9AM to 4PM from Tuesday to Thursday.

Maraming salamat po!

Magandang araw po.As of February 18, 2025, puno na po ang slots for Psychological Assessment sa buong taon ng 2025. Paki...
18/02/2025

Magandang araw po.

As of February 18, 2025, puno na po ang slots for Psychological Assessment sa buong taon ng 2025. Paki-hintay po ang aming update sa susunod na mga buwan tungkol sa appointment process for Psychological Assessment.

Sa mga successful na nakapag fill-up, pakihintay lang po ang aming message o tawag regarding sa inyong schedule.

Para sa magpapaschedule ng Counseling or Psychotherapy, pakitawagan po kami sa 09657215077 tuwing Tuesday hanggang Thursday ng 9AM to 4PM.

Para sa magpapaschedule ng Psychiatric Consultation (for Adults Only), pakitawagan po ang 09682047804 tuwing Tuesday, Wednesday, at Friday ng 9AM to 4PM.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

Ang appointment form po na ito ay temporary lamang habang walang opisyal na appointment system ang ospital at dahil na rin sa limited workforce. Ito rin po ay para lamang sa mga may kailangan ng Psychological Assessment/Testing at Psychotherapy/Counseling. Para sa mga magpapaschedule sa Adult Psychi...

Magandang araw po!Sa mga magsasagot palang po sa appointment form at the time of this post, September 2025 onwards na po...
24/01/2025

Magandang araw po!

Sa mga magsasagot palang po sa appointment form at the time of this post, September 2025 onwards na po ang possible na makuha ninyong schedule for Psychological Assessment.

Sa mga nakapag-sagot na, kayo po ay maaaring naka-schedule around February to August, pa-hintay nalang po ng text message o tawag.

Sa mga magpapaschedule ng Counseling, pakitawagan po kami sa 09657215077 from Tuesdays to Thursdays ng 9AM to 4PM.

Muling Paalala, hindi po kami Neurodevelopmental Pediatrician.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

Ang appointment form po na ito ay temporary lamang habang walang opisyal na appointment system ang ospital at dahil na rin sa limited workforce. Ito rin po ay para lamang sa mga may kailangan ng Psychological Assessment/Testing at Psychotherapy/Counseling. Para sa mga magpapaschedule sa Adult Psychi...

In the eyesIn their mindThru the HeartWe aim to help parents transcend a meaningful connection and understand the Autism...
29/11/2024

In the eyes
In their mind
Thru the Heart

We aim to help parents transcend a meaningful connection and understand the Autism Spectrum Disorder

WHEN: December 3, 2024, 9AM to 12NN
WHERE: via Zoom Online Platform

Register now at https://bit.ly/parentpsychtips

This webinar is free for everyone!

Magandang araw po!Simula December 2, 2024, ang ating appointment form para sa mga kukuha ng schedule for Psychological A...
29/11/2024

Magandang araw po!

Simula December 2, 2024, ang ating appointment form para sa mga kukuha ng schedule for Psychological Assessment ay magiging bukas na po araw-araw.

Ito po ang link sa appointment form: http://bit.ly/djnrmhs-psychology

Ang slots ay first come, first served. Ang inyong schedule ay nakadepende sa dami ng responses, maaaring hindi po kayo mabigyan agad ng maagang schedule. Kami po ay magsesend ng confirmation message at least 2 weeks bago ang inyong possible schedule.

PAALALA: Hindi po kami NEURODEVELOPMENTAL or DEVELOPMENTAL PEDIATRICIAN, kami po ay tumatanggap lamang ng 6 years old pataas. Hindi rin po medical doctor ang Psychologist.

-Para sa magpapaschedule ng PSYCHOTHERAPY o COUNSELING, pakitawagan po kami sa 09657215077 tuwing TUESDAY hanggang THURSDAY, 9AM to 4PM.
Hindi po nagrereseta ng gamot ang Psychologist at hindi rin po muna kami makakatanggap ng para sa kaso.

-Para naman sa PSYCHIATRIC CONSULTATION or FOLLOW-UP: Tumawag sa 0968 204 7804 for appointment
MONDAYS to FRIDAYS bukas ang linya ng kanilang phones except holidays and suspensions
9AM to 4PM
Para sa mga magpapakonsulta sa Psychiatry, ang konsulta po ay tumatagal ng 30-45 mins kada pasyente.

Kailangan pong ipakita ang screenshot or confirmation message ng appointment sa guard at dapat nasa OPD Gate 3 na po kayo for Triage (Vital Signs) 30/mins to 1 hour bago ang oras ng inyong schedule.

Maraming salamat po.

Ang appointment form po na ito ay temporary lamang habang walang opisyal na appointment system ang ospital at dahil na rin sa limited workforce. Ito rin po ay para lamang sa mga may kailangan ng Psychological Assessment/Testing at Psychotherapy/Counseling. Para sa mga magpapaschedule sa Adult Psychi...

Magandang araw po!Para sa mga magpapaschedule ng Psychiatric Consultation, Psychological Assessment, at Psychotherapy, i...
05/08/2024

Magandang araw po!

Para sa mga magpapaschedule ng Psychiatric Consultation, Psychological Assessment, at Psychotherapy, ito na po ang mga temporary link for appointment:

- PSYCHIATRIC CONSULTATION or FOLLOW-UP: Tumawag sa 0968 204 7804 for appointment
Mondays to Fridays open for calls ang aming phones except holidays and suspensions
8AM to 4PM

- PSYCHOLOGICAL ASSESSMENT at PSYCHOTHERAPY (hindi po nagrereseta ng gamot ang Psychologist at hindi rin po muna kami makakatanggap ng para sa kaso.): http://bit.ly/djnrmhs-psychology

FOR PSYCHOLOGY INQUIRIES:
Tumawag sa 0965 721 5077 tuwing Martes hanggang Huwebes 9AM to 4PM

Para sa mga magpapakonsulta sa Psychiatry, ang konsulta po ay tumatagal ng 30-45 mins kada pasyente.

Kailangan din pong ipakita ang screenshot or message ng confirmation sa guard at dapat nasa OPD Gate 3 na po kayo for Triage (Vital Signs) 30/mins to 1 hour bago ang oras ng inyong pina-book. Bibigyan din po kayo roon ng SCREENING FORM na ibibigay nyo po sa aming office katunayan po na tapos na po kayo roon.

ANG LINK PO AY BUKAS LAMANG HANGGANG SA MAPUNO ANG SLOTS.

Kapag ang nakalagay po ay "This question is no longer accepting response" ibig sabihin po ay puno na ang slots at hihintayin niyo po na magbukas muli ng bagong slots para sa mga kasunod na linggo o buwan.

Maraming salamat po.

Ang appointment form po na ito ay temporary lamang habang walang opisyal na appointment system ang ospital. Ito rin po ay para lamang sa mga may kailangan ng Psychological Assessment/Testing at Psychotherapy/Counseling. Para sa mga magpapaschedule sa Psychiatry (for Adults only), paki-click po ang l...

Address

Dr Jose N. Rodriguez Memorial Hospital And Sanitarium, Tala
Caloocan
1427

Opening Hours

Monday 9am - 4pm
Tuesday 9am - 4pm
Wednesday 9am - 4pm
Thursday 9am - 4pm
Friday 9am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DJNRMHS Psychology posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to DJNRMHS Psychology:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram