22/08/2025
Kapag may lumalaking bukol sa katawan, mahalaga itong ipatingin sa doktor dahil hindi lahat ng bukol ay “ordinaryo” o simpleng taba lamang (lipoma).
💡 Benign (hindi cancerous) – gaya ng lipoma (taba), sebaceous cyst (laman sa ilalim ng balat), o fibroma.
💡 Malignant (cancerous) – may posibilidad na ito ay isang uri ng kanser, lalo na kung mabilis lumalaki, matigas, masakit, o may pagbabago sa balat.
💡 Bakit kailangan tanggalin at ipa-biopsy?
1. Para malaman ang eksaktong uri ng bukol.
☝🏻 Kahit maganda ang itsura ng bukol, hindi matitiyak kung benign o malignant hangga’t hindi nasusuri sa microscope.
2. Para maiwasan ang komplikasyon.
☝🏻 Ang bukol ay maaaring lumaki nang sobra, maipit ang ugat o kalamnan, at magdulot ng pananakit o limitasyon sa galaw.
3. Para maagapan kung ito ay cancer.
☝🏻 Kung malignant pala, mas maagang matutukoy at maaagapan bago kumalat.
4. Para mawala ang kaba at pag-aalala.
☝🏻 Kapag may resulta ng biopsy, malinaw na ang diagnosis at mas mapaplano ang tamang gamutan.
💡 Mga senyales na dapat lalo nang ipatingin:
✅ Biglang paglaki ng bukol
✅ Matigas at hindi naigagalaw
✅ Masakit o may pamumula
✅ May sugat na hindi gumagaling
✅ May kasamang pagbagsak ng timbang o panghihina
Kung may napansin na bukol sa katawan, huwag ipagwalang-bahala. Mas mabuti ang maagap na pagpapatingin kaysa magsisi sa huli. Magpakonsulta at mag-message kay Dr. Candace London - General and Laparoscopic Surgery para sa agarang tugon.
Mag text/iMessage/Viber/Telegram/WhatsApp sa 09761176952
candacelondon