
18/07/2025
๐๐ฉโโ๏ธ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐? ๐ง ๐
Isang mainit na pagbati at taos-pusong pasasalamat sa mga ๐ฏ๐ฟ๐ฑ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ ๐๐ฆ ๐ฃ๐ต๐ฎ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ฐ๐ ๐๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ข๐๐ฟ ๐๐ฎ๐ฑ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฎ๐๐ถ๐บ๐ฎ ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ โ ๐๐ฎ๐ด๐๐ป๐ฎ para sa kanilang malinaw at makahulugang infographic na tumatalakay sa tunay na gawain ng mga parmasyotiko sa ating lipunan. ๐๐๐
Mula sa pagtiyak ng tamang dosage at ligtas na paggamit ng gamot, hanggang sa pakikipag-ugnayan sa doktor at pagbibigay-gabay sa pasyente, ipinapakita sa likhang ito na ang pharmacist ay hindi lamang taga-abot ng gamot, kundi eksperto sa kalusugan na nagbibigay ng tamang impormasyon, proteksyon, at pangangalaga.
Tunay na kaagapay sa kalusugan ng bawat Pilipino, ang mga parmasyotiko ay naroroon sa botika, ospital, klinika, at maging sa pharmaceutical companies upang masiguro ang kaligtasan ng bawat gamot na ating iniinom.
Ang gawaing ito ay tumutugma sa adbokasiya ng PPhA CAMANAVA Chapter na itaguyod ang tamang kaalaman sa tungkulin at kakayahan ng mga pharmacist, lalo na sa panahon ngayon kung saan mahalaga ang mapagkakatiwalaang impormasyon sa kalusugan.
Mabuhay ang mga future RPh! ๐