16/09/2023
Kwentong Empleyado and Networker
: Ako hindi ako naniniwala sa iyo na kapag nag join ang tao eh pwede silang umasenso lahat.
: Bakit naman po Mam?
: Kasi kung totoo yan eh dapat wala na nag hihirap ngayon. Sana lahat asensado na. Wala ng mahirap.
: Ako din Mam. Hindi ako na naniwala na kapag ang estudyante ay makapag tapos ay aasenso na.
: Bakit mo nasabi yon?
: Kasi taon-taon maraming guma-graduate. Pero bakit marami pa din naghihirap na mga graduates.
: Hindi naman kasi porke naka graduate na sila ay automatic na aasenso na sila. Dapat din mag take action sila. Gamitin nila nalalaman nila. Sipag at tiyaga para makahanap sila ng magandang trabaho. Kasama na din ang disiplina para maka pag-ipon sila at makapag tayo ng negosyo at mapaghandaan ang future nila.
: Tumpak! Tamang-tama ka Mam sa sinabi mo. Ganon na ganon din dito sa Industriya na ginagalawan ko. Dapat una maniwala sila. Dapat din matuto sila. At dapat lahat ng natutunan nila, gamit ng sipag at tiyaga ay i-apply nila. Kailangan din ang tamang disiplina para maging successful sila.
Kaya marami sa katulad ko na Networker ang hindi nagiging successful ay pareho lang din ito ng mga estudyante na guma-graduate. Karamihan wala naman ginagawa. Mga tamad at asa lang din. Nag aral nga pero hindi naman inia-apply ang mga natutunan. Ang mahirap marami ang ang join pero hindi rin naman nag aral.
: So, parehas lang pala. Susi ang kaalaman, sipag at tiyaga para ka maging successful!!!
: Absolutely Mam!!
Moral Lesson:
Kahit anong sitwasyon, propesyon pa sa mundo kung hindi mo hahaluan ng TIWALA, KAALAMAN, SIPAG AT TIYAGA ay hindi ka magiging tagumpay. Hindi porke naka graduate ka na eh sure na aasenso ka na. At hindi porke nag join ka na sa Networking ay aasenso ka na. May mga dapat kang tamang requirements or attitude na required mong i-apply..
OPPORTUNITY + TAKE ACTION=RESULT
PROUD MLM BUSINESSπͺ