12/03/2026
Hindi mo matatawag na diskarte yan kung ikaw ay nanlalamang, nangloloko, o nangugulang ng kapwa.
Huwag ka palinlang, kapatid. Ang tunay na madiskarte ay yung kayang gumawa ng mabuti sa tamang paraan at tamang proseso, katulad ng pagiging masipag, matiyaga, at makatao.
Marami kasi satin ginagamit ang "DISKARTE" kapag may mga bagay na hindi kayang gawan ng paraan pero ginagawa kahit hindi sumusunod sa tamang proseso.
Halimabawa,
Sumusingit sa pila, Timbangan na madaya, yung mga paglabag sa batas trapiko, pangungurakot ng pondo sa mga proyekto, nangangako na ang pera mo ay tutubo pero pagdating ng dulo hindi naman pala totoo at yung mga nangungutang pero tinatakasan.
Pwedeng mong madiskartihan ang kapwa mo, pero kahit kailan, hinding hindi mo matatakasan ang Diyos na nakakakita sa mga ginagawa mo. Ibig sabihin, wala kang lusot dahil may karma ang Diyos sa mga ginawa mo.
Ito ang mababasa natin sa,
- Galatians 6:7
โHuwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.โ
At sa Proverbs (Kawikaan) 11:21
โAng taong masama ay di makakaligtas sa kaparusahan, ngunit hindi maaano ang nabubuhay sa katuwiran.โ
Galit ang Diyos sa mga mandaraya pero sa mga tapat at matuwid Siya ay natutuwa.
Ito ang mababasa natin sa,
Kawikaan 11:1 -
โAng madaya na timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran.โ
Kaya, ating tandaan dadalhin ka ng tamang diskarte sa magandang buhay kung gagamitin mo ito sa tama. Pero dadalhin ka naman nito kapahamakan kung gagamitin mo ito sa maling paraan.