09/11/2025
𝗔𝗕𝗜𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢
Alinsunod sa ANUNSIYO ng Malacañang, ang operasyon sa Central Office at mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, at Rehiyon ng I, II, III, IV-A, IV-B, V, and VIII ay SUSPENDIDO, bukas, Lunes, ika-10 ng Nobyembre, bunsod ng nagbabadyang malakas na pag-ulan dulot ng Super Typhoon Uwan.
Samantala, ang mga personnel ng LTO-Field Enforcement Division (FED) sa Central Office at sa mga nabanggit na rehiyon ay naka-duty upang i-monitor ang situwasyon at nakahanda sa posibleng deployment para sa pagbibigay ng tulong sa panahon ng kalamidad, pagsasagawa ng evacuation assistance, at pagtulong sa distribusyon ng mga relief goods.