Bagong Silang Phase 4 Health Center

Bagong Silang Phase 4 Health Center Monday - Friday 8am hanggang 5pm

07/03/2026


Pabatid! πŸ“’πŸ“’πŸ“’
01/03/2026

Pabatid! πŸ“’πŸ“’πŸ“’

πŸ“’πŸ“’πŸ“’
19/02/2026

πŸ“’πŸ“’πŸ“’

Kaalaman patungkol sa mga Soil-Transmitted Heminthiasis πŸͺ±Ugaliing maghugas ng kamay 🧼🧴Magpapurga - paalala na mayroong l...
31/01/2026

Kaalaman patungkol sa mga Soil-Transmitted Heminthiasis πŸͺ±

Ugaliing maghugas ng kamay 🧼🧴
Magpapurga - paalala na mayroong libreng pampurga sa mga health centers
Lutuin ng maayos ang ating mga pagkain.
Hugasan ng mabuti ang ating mga lulutuin.

πŸ’•

Ang LEPROSY ay nagagamot ✨
25/01/2026

Ang LEPROSY ay nagagamot ✨

π‡πšπ₯𝐒𝐧𝐚'𝐭 𝐚𝐭𝐒𝐧𝐠 𝐒𝐩𝐚𝐠𝐝𝐒𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐖𝐨𝐫π₯𝐝 π‹πžπ©π«π¨π¬π² πƒπšπ² πŸ’œ

Halina’t ipakita ang ating suporta at tumulong sa pagpapataas ng kamalayan tungkol sa leprosy sa pamamagitan ng pagpapalit ng Facebook frame. Gamitin ang World Leprosy Day frame mula sa link na ito: https://twb.nz/worldleprosyday2026
β€”
π‘³π’†π’‘π’“π’π’”π’š π’Šπ’” 𝒄𝒖𝒓𝒂𝒃𝒍𝒆, 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒍 π’„π’‰π’‚π’π’π’†π’π’ˆπ’† π’Šπ’” π’”π’•π’Šπ’ˆπ’Žπ’‚ 🀝

Ang leprosy ay nagagamot at hindi dapat kinatatakutan. Mahalagang maaga itong matuklasan upang maiwasan ang komplikasyon at disabilidad. Higit sa lahat, ang ating mga kababayan na may leprosy ay walang pinag-iba sa atin na karapat-dapat sa paggalang, pag-unawa, at tamang serbisyong pangkalusugan.

Lahat tayo ay may mahalagang papel sa pagwawakas ng diskriminasyon at pagtama sa mga maling paniniwala tungkol sa leprosy. Sama-sama nating ipalaganap ang tamang impormasyon, suportahan ang ating mga kababayan, at tiyaking may sapat, ligtas, at inklusibong serbisyong pangkalusugan.

Hindi lamang gamot ang sagot, kaalaman at pag-unawa ang susi upang tuluyang wakasan ang stigma. Magpakonsulta sa pinakamalapit na health center, kumilos nang may malasakit, at tumulong sa pagkamit ng 𝗭𝗲𝗿𝗼 π—Ÿπ—²π—½π—Ώπ—Όπ˜€π˜† 𝗑𝗖π—₯! πŸ’œπŸ€—





Magandang umaga sa inyong lahat, at maligayang Linggo! ✨Inaanyayahan ng National Voluntary Blood Services Program (NVBSP...
25/01/2026

Magandang umaga sa inyong lahat, at maligayang Linggo! ✨

Inaanyayahan ng National Voluntary Blood Services Program (NVBSP) ang lahat na makilahok sa NCR-Wide Simultaneous Mobile Blood Donation na gaganapin sa Enero 28, 2026.

Magsama-sama tayo upang makatulong sa pagliligtas ng mga buhay sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo. Ang inyong suporta at pakikilahok ay makapagbibigay ng malaking at makabuluhang pagbabago.

Maraming salamat po.


20/01/2026

Para sa kaalaman ng aming mga nasasakupan,

Ipinapaalam po namin na patuloy pa ring isinasagawa ang PhilHealth Yakap Registration. Inaanyayahan po ang lahat na magtungo sa aming Health Center upang magparehistro at lumagda sa mga kinakailangang form.

Paalala po na ang BAGONG SILANG PHASE 4 HEALTH CENTER ang dapat ninyong iparehistro, lalo na para sa mga residente ng Phase 4. Matapos makumpleto ang pagpirma ng mga form sa center, kayo po ay sasailalim sa konsultasyon kay doktora bilang bahagi ng first patient encounter.

Ang mga piling libreng laboratoryo ay maaaring ipagawa sa Caloocan City North Medical Center, batay sa request na itatalaga at ibibigay ng doktora. Maaari rin pong ma-avail ang PhilHealth Gamot, na maaaring makuha sa Yakap Pharmacy, alinsunod sa reseta na ibibigay ng doktora.

Maraming salamat po.

Send a message to learn more

NATIONAL DEWORMING MONTH πŸ’–Magsisimula na po muling mag-ikot sa ating komunidad ang ating mga Barangay Nutrition Scholar ...
18/01/2026

NATIONAL DEWORMING MONTH πŸ’–

Magsisimula na po muling mag-ikot sa ating komunidad ang ating mga Barangay Nutrition Scholar (BNS) upang magsagawa ng pagtitimbang, pagsukat ng height ng mga batang may edad 0–59 buwan bilang bahagi ng ating mga programang pangkalusugan.

Inaanyayahan po ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makiisa at suportahan ang gawaing ito para sa mas malusog na kinabukasan ng ating mga bata. πŸ’š

Maraming salamat po!

πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ π“πˆπŒππ€ππ† 𝐏𝐋𝐔𝐒 (πŽππ“+) πŸπŸŽπŸπŸ”

Timbang at taas ni toto at nene ay alamin,
Halina’t magpatimbang sa amin.

Ang Operation Timbang Plus (OPT+) ay ang taunang pagtitimbang at pagkuha ng taas o haba ng mga bata na may edad 0-59 months (0 hanggang bago mag limang taong gulang). Ito ay isinasagawa upang matukoy at mahanap ang mga batang apektado ng malnutrisyon upang mabigyan ang mga ito ng angkop na nutrition at nutrition-related interventions.


17/01/2026

MAGANDANG HAPON PO!

Napag-alaman po namin na may nawawalang bag na pagmamay-ari ng isa sa mga staff ng Phase 4 Health Center. Ang bag po ay may lamang mga ID.

Makikita po sa comment section ang larawan ng bag, at ito ay may sirang zipper.

Kung sakaling may makakita o makapulot ng bag o alinman sa mga ID na nasa loob nito, ipagbigay-alam lamang po agad sa Phase 4 Health Center.

Nasa comment section ang itsura ng bag.

Maraming salamat po sa inyong tulong at pakikiisa.

14/01/2026

Magandang hapon.

PHILHEALTH YAKAP πŸ’–
Paano maaavail?
1. Magpunta lamang sa center para po maregister.
2. May pipirmahan pong Forms para kayo po maregister.
3. Dalhin lamang ang PHILHEALTH ID at VALID ID.
4. Manghingi ng forms sa aming Barangay Health Workers.
5. Magpaphilhealth check utility sa aming mga STAFFS.
6. Pagkatapos ay dapat makapagkonsulta sa aming doctor para sa First Patient Encounter.

WALA PONG BABAYARAN PARA MAAVAIL ANG PHILHEALTH YAKAP. LAHAT NG MAY PHILHEALTH ID O MAY PHILHEALTH ID NUMBER AY PWEDENG MAGPAREGISTER SA AMIN. πŸ’–

Kung nais po magpagawa ng PHILHEALTH ID o MAGDEKLARA ng mga DEPENDENTS, magdala po ng xerox ng birth certificate at xerox ng valid ID ng magulang na magdedeklara. (Antayin ang aming post kapag pwede na po at available nang kunin ang inyong Philhealth ID)

Pili lamang na laboratory ang pwedeng iavail at pwede ring iavail ang PHILHEALTH GAMOT kapag nakapagregister na po saamin.

Maraming salamat po.


Address

Phase 4, Package 4, Block 23 Lot Excess Bagong Silang
Caloocan
1428

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Silang Phase 4 Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram