Calumpit District Hospital

Calumpit District Hospital For CDH OPD Online Appointment click here https://www.facebook.com/calumpitdistricthosp

Paalala:Dahil sa patuloy na pagkakaroon ng tubig sa paligid ng pagamutan na sumasabay sa oras ng high tide, hinihikayat ...
30/07/2025

Paalala:

Dahil sa patuloy na pagkakaroon ng tubig sa paligid ng pagamutan na sumasabay sa oras ng high tide, hinihikayat po ang mga pasyente na magdala o magsuot ng bota upang maiwasan ang paglulusong.

Gayundin, ang pagdadala po ng payong ay makatutulong sa pag-iwas sa abalang dulot ng pabago-bagong panahon sa maghapon.

Simula bukas, July 27, 2025.Ang Calumpit District Hospital ay muling magbabalik sa normal na operasyon matapos pansamant...
27/07/2025

Simula bukas, July 27, 2025.
Ang Calumpit District Hospital ay muling magbabalik sa normal na operasyon matapos pansamantalang maantala dulot ng pagtaas ng tubig sa pagamutan.

Pinaaalalahanan po ang lahat na patuloy na maging maingat, sundin ang mga abiso at laging unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

Para sa kaalaman ng lahat:⚫Nakararanas ng mas mataas na lebel ng tubig sa paligid ng pagamutan kumpara kahapon;⚫Patuloy ...
25/07/2025

Para sa kaalaman ng lahat:
⚫Nakararanas ng mas mataas na lebel ng tubig sa paligid ng pagamutan kumpara kahapon;
⚫Patuloy na minomonitor ang kapaligiran at pagbaba ng tubig mula sa ibang mga probinsya;
⚫Nananatiling kanselado ang lahat ng
Out-Patient Department transactions;
⚫24-oras na agarang atensyong medikal sa mga Emergency Case sa Emergency Room;
⚫Pinaaalalahanan na magtungo lamang sa pagamutan kung tiyak na ligtas ang inyong mga daraanan;
⚫Patuloy po kaming magbibigay ng anunsyo para sa anumang pagbabago.

Dahil sa paglaki ng tubig sa paligid ng Calumpit District Hospital, ang transaksyon sa Out-Patient Department ay pansama...
24/07/2025

Dahil sa paglaki ng tubig sa paligid ng Calumpit District Hospital, ang transaksyon sa Out-Patient Department ay pansamantalang kinakansela.

Ang EMERGENCY ROOM naman po ay mananatiling bukas 24 oras upang magbigay ng agarang lunas.

Pinaaalalahanan na magtungo lamang sa pagamutan kung tiyak na ligtas ang inyong mga daraanan.

Patuloy po kaming magbibigay ng anunsyo para sa anumang pagbabago.

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospi...
24/07/2025

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







UPDATE:Hulyo 24, 2025 (HUWEBES)"REGULAR NA OPERASYONSA LAHAT NG SERBISYO"
23/07/2025

UPDATE:
Hulyo 24, 2025 (HUWEBES)
"REGULAR NA OPERASYON
SA LAHAT NG SERBISYO"

Hospital Advisory para sa ika-24 ng Hulyo 2025.Mahigpit na Paalala: Kung nangangailangan ng agarang atensyong medikal (e...
23/07/2025

Hospital Advisory para sa ika-24 ng Hulyo 2025.
Mahigpit na Paalala: Kung nangangailangan ng agarang atensyong medikal (emergency), hindi ito kailangan ng appointment. Magtungo kaagad sa ating Emergency Room para kayo ay matugunan.

Stay Safe.

Para po sa mga naka-appointment, siguraduhing ligtas ang lahat ng inyong dadaanan patungo sa pagamutan. Maaari naman po ...
22/07/2025

Para po sa mga naka-appointment, siguraduhing ligtas ang lahat ng inyong dadaanan patungo sa pagamutan. Maaari naman po kayong mabigyan ng panibagong schedule para sa inyong pagpapakonsulta kung inyong nanaisin.

Mahigpit na Paalala: Kung nangangailangan ng agarang atensyong medikal (emergency), hindi ito kailangan ng appointment. Magtungo kaagad sa ating Emergency Room para kayo ay matugunan.

Para po sa mga naka-appointment, siguraduhing ligtas po ang inyong lugar bago magtungo sa pagamutan. Maaari naman po kay...
21/07/2025

Para po sa mga naka-appointment, siguraduhing ligtas po ang inyong lugar bago magtungo sa pagamutan. Maaari naman po kayong mabigyan ng panibagong schedule para sa inyong pagpapakonsulta kung inyong nanaisin.

📌Mahigpit na Paalala: kung nangangailangan ng agarang atensyong medikal (emergency), hindi po ito kailangan ng appointment. Magtungo po sa ating Emergency Room para kayo ay matugunan.

Stay Safe.

PABATIDIpinababatid po sa lahat na kasalukuyang nakararanas ng pansamantalang pagkawala ng supply ng kuryente sa mga pos...
19/07/2025

PABATID

Ipinababatid po sa lahat na kasalukuyang nakararanas ng pansamantalang pagkawala ng supply ng kuryente sa mga poste ng ilaw papasok ng ospital dulot ng masamang panahon.

Tinitiyak po namin sa lahat na tinutugunan ang sitwasyong ito.

Pinaaalalahanan din po ang publiko na maging maingat sa pagpasok at paglabas ng espital, lalo na sa mga bahagi na maaaring madilim o madulas dulot ng masamang panahon.

Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

Calumpit District Hospital
19 Hulyo 2025

PABATIDNais po naming ipaalam sa lahat na ang CDH OutpatientDepartment (OPD) ay sarado sa:(Regular Holiday)• Huwebes, Ab...
16/04/2025

PABATID
Nais po naming ipaalam sa lahat na ang CDH Outpatient
Department (OPD) ay sarado sa:
(Regular Holiday)
• Huwebes, Abril 17, 2025 (Maundy Thursday)
• Biyernes, Abril 18, 2025 (Good Friday)
Para po sa mga nakatakdang magpa-check up sa araw na ito, mangyaring maghintay ng aming text o chat message para sa bagong iskedyul ng inyong appointment.
At kung kinakailangan po ng agarang atensyong medikal, bukas po ang aming EMERGENCY ROOM 24 oras.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

PABATID
Nais po naming ipaalam sa lahat na ang CDH Outpatient
Department (OPD) ay SARADO sa:
(Regular Holiday)
• Huwebes, Abril 17, 2025 (Maundy Thursday)
• Biyernes, Abril 18, 2025 (Good Friday)
Para po sa mga nakatakdang magpa-check up sa araw na ito, mangyaring maghintay ng aming text o chat message para sa bagong iskedyul ng inyong appointment.
At kung kinakailangan po ng agarang atensyong medikal, bukas po ang aming EMERGENCY ROOM 24 oras.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

PABATIDNais po naming ipaalam sa lahat na ang CDH OutpatientDepartment (OPD) ay sarado sa:Miyerkules, Abril 9, 2025Araw ...
04/04/2025

PABATID

Nais po naming ipaalam sa lahat na ang CDH Outpatient
Department (OPD) ay sarado sa:
Miyerkules, Abril 9, 2025
Araw ng Kagitingan (Regular Holiday)

Para po sa mga nakatakdang magpa-check up sa araw na ito, mangyaring maghintay ng aming text o chat message para sa bagong iskedyul ng inyong appointment.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

0908-4347-544 (OPD Appointment)
Calumpit District Hospital OPD Online Appointment

PABATID

Nais po naming ipaalam sa lahat na ang CDH Outpatient
Department (OPD) ay sarado sa:
Miyerkules, Abril 9, 2025
Araw ng Kagitingan (Regular Holiday)

Para po sa mga nakatakdang magpa-check up sa araw na ito, mangyaring maghintay ng aming text o chat message para sa bagong iskedyul ng inyong appointment.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

📞 0908-4347-544 (OPD Appointment)
Calumpit District Hospital OPD Online Appointment

Address

Caniogan
Calumpit
3003

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calumpit District Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram