CDH Public Health Unit

CDH Public Health Unit Calumpit District Hospital (Public Health Unit)

Noong Agosto 18, 2025 ay ginanap ang isang Breastfeeding Lecture Awareness sa Calumpit District Hospital OPD na pinangun...
23/08/2025

Noong Agosto 18, 2025 ay ginanap ang isang Breastfeeding Lecture Awareness sa Calumpit District Hospital OPD na pinangunahan ni Dra. Nancy Candelaria (Pedia Doctor). Ito ay may temang "One Breastfeeding Philippines: Yakap Hakab". Muling pinagtibay ang kahalagahan ng pagpapasuso bilang pundasyon ng malusog na kinabukasan para sa bawat pamilyang Pilipino.

🤱 Salamat sa lahat ng dumalo, nakinig, at yumakap sa adhikain ng isang mas malusog na bayan. Sama-sama tayong magtaguyod ng gatas ng ina—unang yakap ng buhay!


Calumpit District Hospital
Bulacan PHO - Public Health

PAANYAYA
16/08/2025

PAANYAYA

16/08/2025

❗️DOBLE ANG PANGANIB NA MAGKAROON NG TB KUNG NANINIGARILYO O GUMAGAMIT NG VAPE❗️

Mas mataas ang posibilidad na magka-TB ang mga taong naninigarilyo at gumagamit ng v**e. Bukod dito, pinapalala ng sigarilyo ang kalagayan ng mga may TB, na pwedeng humantong sa pagkamatay. Nawawala rin ang bisa ng gamot laban sa TB kung naninigarilyo ang pasyente.

Tumawag sa DOH Quitline 1558 para matulungan kang itigil ang bisyo.

Regular na magpa-TB screening sa TB-DOTS malapit sa inyo: bit.ly/TBDOTSFacilities




PABATID
14/08/2025

PABATID

12/08/2025

💙 National Hospital Week 2025 💙

Ngayong Agosto, taas-noo nating ipinagdiriwang ang mga tunay na bayani ng kalusugan — ang mga doktor, nurse, midwife, medtech, pharmacist, radtech, dietician/ kitchen aids, (kuya) helpers, guard, ambulance drivers, admin staff, at lahat ng bumubuo sa ating ospital.

Saludo kami sa inyong sakripisyo, malasakit, at walang sawang serbisyo.

Kayo ang haligi ng pag-asa sa bawat pasyente, ang ilaw sa gitna ng karamdaman, at ang puso ng ating sistemang pangkalusugan.

🏥 Sa bawat shift, sa bawat pagod, sa bawat ngiting ibinibigay ninyo sa mga nangangailangan — kayo ang tunay na bayani.



Calumpit District Hospital

27/07/2025

Apektado maging ang ating MENTAL HEALTH sa ganitong panahon. Kaya naman, narito ang ilang maaaring gaiwn mula sa aming tanggapan.

Kailangan ng ?
USAP LINE HOTLINE by NCMH
0917-899-USAP (8727)
0917-989-USAP (8727)

27/07/2025

🚨 MAG-INGAT SA PAGLILINIS PARA MAIWASAN ANG AKSIDENTE 🚨

Dahil meron pa ring dalang pag-ulan ang habagat, hintayin muna hanggang tuluyang humupa ang baha at siguruhing ligtas na ang paligid bago simulan ang paglilinis.

Para makaiwas sa aksidente, narito ang ilang paalala ng DOH:
✔️ Magsuot ng bota, gloves, goggles, at mask
✔️ Humingi ng tulong sa pagbubuhat ng mabibigat
✔️ Mag-ingat sa paggamit ng mga kemikal na panglinis, gaya ng bleach







25/07/2025

Today is World Drowning Prevention Day.

Drowning remains a critically overlooked public health issue despite being almost entirely preventable.

These five actions can save lives:
✅secure access to water,
✅create safe spaces for children,
✅improve your swimming and water safety skills,
✅get training in safe rescue,
✅raise awareness in your community.

If you’ve taken part in any of these efforts, no matter how big or small, your story matters.

🗣️ Share it using and tag World Health Organization (WHO) Your story could save a life.

25/07/2025

Para sa kaalaman ng lahat:
⚫Nakararanas ng mas mataas na lebel ng tubig sa paligid ng pagamutan kumpara kahapon;
⚫Patuloy na minomonitor ang kapaligiran at pagbaba ng tubig mula sa ibang mga probinsya;
⚫Nananatiling kanselado ang lahat ng
Out-Patient Department transactions;
⚫24-oras na agarang atensyong medikal sa mga Emergency Case sa Emergency Room;
⚫Pinaaalalahanan na magtungo lamang sa pagamutan kung tiyak na ligtas ang inyong mga daraanan;
⚫Patuloy po kaming magbibigay ng anunsyo para sa anumang pagbabago.

Public Health Advisory 🚨Tag-ulan nanaman, Alam niyo ba na sa kontaminadong tubig at pagkain ang pangunahing sanhi ng Wat...
24/07/2025

Public Health Advisory 🚨
Tag-ulan nanaman, Alam niyo ba na sa kontaminadong tubig at pagkain ang pangunahing sanhi ng Water and Food-borne Diseases at bagamat ito’y madaling gamutin hindi tayo dapat magpakampante.

Narito ang mahahalagang impormasyon na dapat nating alamin upang maiwasan at malaman ang mga hakbang kung sakaling tayo ay tamaan ng karamdamang ito. 🦠

Address

Calumpit District Hospital
Calumpit
3003

Opening Hours

Monday 8:15am - 4:45pm
Tuesday 8:15am - 4:45pm
Wednesday 8:15am - 4:45pm
Thursday 8:15am - 4:45pm
Friday 8:15am - 4:45pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CDH Public Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram