Matilde A Olivas District Hospital Emergency Room Department

Matilde A Olivas District Hospital Emergency Room Department Get emergency care updates from Matilde A Olivas District Hospital ER. Follow us for news and insight

01/09/2025

โ—๏ธ๐‘ป๐‘ผ๐‘ฉ๐‘ฌ๐‘น๐‘ช๐‘ผ๐‘ณ๐‘ถ๐‘บ๐‘ฐ๐‘บ ๐‘ท๐‘น๐‘ฌ๐‘ฝ๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘ฌ ๐‘ป๐‘น๐‘ฌ๐‘จ๐‘ป๐‘ด๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป, ๐‘ต๐‘จ๐‘ท๐‘จ๐‘ป๐‘ผ๐‘ต๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฌ๐‘ท๐‘ฌ๐‘ฒ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ฉ๐‘ถ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘น๐‘ถ๐‘ป๐‘ฌ๐‘ฒ๐‘บ๐’€๐‘ถ๐‘ต ๐‘บ๐‘จ ๐‘ป๐‘ฉโ—๏ธ

Ang Tuberculosis Preventive Treatment o TPT ay isang gamot na ibinibigay sa taong na-expose sa isang Tuberculosis (TB) patient.

Mabilis ang transmission o pagkalat ng TB dahil maaaring maipasa ito sa pag-ubo, pagbahing at pagdura.

Ang TPT ay napatunayang mabisa at ligtas na paraan para maprotektahan ang mga high-risk individuals at mapigilan ang pagkalat ng TB.

Ang TPT ay available sa TB-DOTS malapit sa inyo: bit.ly/TBDOTSFacilities




01/09/2025
01/09/2025

๐— ๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜†, ๐—ด๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ผ? ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฒ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐˜: ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐˜‚๐˜„๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ถ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐˜†, ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎโ€™๐˜ ๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ!

Narito ang ilang paalala:
โฐ Breastfeed on demand โ€” pasusuhin si baby anumang oras niya gustuhin
๐Ÿ‘ถ Karaniwang tumatagal ang pagpapasuso ng 20 minuto
๐Ÿ“‰ Habang lumalaki si baby, bumababa ang dalas at haba ng pagpapasuso

Tandaan: Ang madalas at tuloy-tuloy na pagpapasuso ay nakatutulong sa masaganang milk supply ng nanay.


01/09/2025

โญ๏ธ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ช๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ผ, ๐—ž๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—•๐—ฎ๐—ฏ๐˜† ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ!

Alam mo ba kung ano ang unang hakab o Kangaroo Mother Care?
Ito ang unang yakap ni babyโ€”nakahubad (maliban sa lampin at sumbrero) at nakadikit ang balat sa dibdib ni mommy. Ang init, haplos, amoy, boses, at gatas ni nanay ay nakatutulong para mapakalma si baby at mapabuti ang kanyang paghinga at tibok ng puso.

Bakit mahalaga ang unang hakab?
๐Ÿ‘ถ Tumutulong sa tamang paghinga, tibok ng puso, at init ng katawan ni baby
๐Ÿ›ก๏ธ Pinalalakas ang resistensya laban sa impeksyon
๐Ÿ’ง Pinapabilis ang daloy ng gatas ni nanay
๐Ÿคฑ Simula agad ang breastfeeding sa unang oras
โš ๏ธ Iwas hypoglycemia o mababang blood sugar
๐Ÿ˜ด Mas mahimbing ang tulog at mas kalmado si baby


01/09/2025

DOH-CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER NAGBUKAS NG BUCAS CENTER NA OPERATIONAL SA GABI

Bilang apex o end-referral hospital sa rehiyon maging ng mga karatig na probinsya gaya ng kalinga at apayao, binuksan ng DOH-Cagayan Valley Medical Center o CVMC ang kanilang Bagong Urgent Care and Ambulatory Services o BUCAS sa Gabi para maserbisyuhan ang mga pasyenteng hindi umaabot sa 8am hanggang 5pm na outpatient consultation.

Ayon kay Dr. Cherry Lou Antonio, Medical Center Chief ng DOH-CVMC, layunin din ng BUCAS sa Gabi na ma-decongest ang kanilang emergency room at matutukan ang mga emergency cases.

Bukas ang DOH-CVMC BUCAS sa Gabi kahit holidays tuwing alas-sais ng gabi hanggang alas-sais ng umaga para tumugon sa mga ambulatory cases gaya ng ubo, sipon, lagnat, pag-assist sa nebulization ng mga may asthma, tetanus vaccination, at iba pang konsultasyong idinudulog tuwing gabi.

Maliban sa BUCAS sa Gabi ay may dalawa pang offsite BUCAS centers ang CVMC. Umaabot sa tatlumpu hanggang apatnapung pasyente ang naseserbisyuhan ng nasabing BUCAS.

โ€œDito sa BUCAS sa Gabi ay wala silang binabayaran kahit nagpa-laboratory sila, nagpa-xray sila, consultation, wala ho silang babayaran pag-uwi nila. May mga nakahanda po kaming mga doctors at nurses na tutugon para sa inyong pangangailangang medikal na atensyon. โ€˜Wag po mag-atubili, magpakonsulta po kung kayo ay may nararamdaman dahil sa Bagong Pilipinas Bawat Buhay Mahalaga โ€“ sa CVMC Bawat Buhay Mahalaga,โ€ ani Dr. Antonio.

Balikan ang PinaSigla Episode 5 dito: https://web.facebook.com/share/p/1CmLK4RAiP/

10/08/2025

๐Ÿ“ˆ Higit walong libong kababaihan, naitalang may cervical cancer noong 2022. Nananatiling pangatlong nangungunang uri ng kanser ang cervical cancer sa mga kababaihan.

โœ… Maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng HPV vaccination. Kaya habang maaga, magpabakuna na.

๐Ÿฅ Bumisita sa health center para sa schedule ng pagbabakuna.

Isang paalala ngayong National Adolescent Immunization Month.





10/08/2025

๐Ÿ‘๏ธ Panlalabo? Pamumula? May lumulutang sa paningin?

Ang bawat sintomas ay hindi dapat balewalainโ€”baka senyales na ito ng problema sa mata. ๐Ÿ‘€โ—

๐Ÿ—“๏ธ Magpatingin ng mata kahit isang beses kada taon upang maagapan ang anumang sakit o pagbabago sa paningin.

๐Ÿ”Ž Ang maagang pagsusuri ay susi sa malusog na paningin! ๐Ÿ‘“โœ…





10/08/2025

Higit 9 milyong kababaihan na ang gumagamit ng family planning methods ayon sa datos ng DOH.

โœ… Gaya nila, may karapatan ka ring pumili ng pinakamainam na family planning method na swak saโ€™yo!

๐Ÿ”Ž Basahin ang larawan para sa karagdagang impormasyon.





10/08/2025

๐——๐—ข๐—›, ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—”๐——๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž๐—˜๐—ฅ๐—ฆ

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong B**g B**g Marcos Jr. na palawigin ang mga serbisyong pangkalusugan sa bansa, binibigyang diin ng DOH ang kaligtasan at kalusugan ng healthcare workers.

Ang mga sumusunod na serbisyong pangkalusugan sa healthcare workers ang pinalalakas sa mga ospital:
โœ…Recreational Activities
โœ…Annual Physical Exam
โœ…Psychosocial Support
โœ…Capacity Development
โœ…Infection Prevention and Control
โœ…Access to Health Resources




10/08/2025

๐—”๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฃ๐—ข๐—ซ?

Gawing gabay ang mga piling sitwasyon na nasa larawan upang maging protektado kontra Mpox.

Patuloy na protektahan ang sarili at ang ang buong pamilya laban sa sakit at maling impormasyon.

Maging handa sa banta ng MPOX - sundin at gawin ang basic Health Reminders.





Address

General E Batalla, Cagayan
Camalaniugan
3510

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Matilde A Olivas District Hospital Emergency Room Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category