ESSU Can-avid Clinic

ESSU Can-avid Clinic Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ESSU Can-avid Clinic, Medical and health, Can-Avid.

This page shares helpful health tips to the students, employees and to the community which will serve as health promotion, disease prevention of the clinic and deliver updates on the health protocols of the school.

12/08/2025

Protektahan ang sarili at ang komunidad. Gawin ang 7 Healthy Habits na nasa larawan!

🏥 Kumonsulta sa health centers para sa mga serbisyong pangkalusugan.

Isang paalala ngayong Linggo ng Kabataan.




06/08/2025

🎯 MASAKIT Pero TOTOO: KALUSUGAN ang NASASAKRIPISYO Dahil sa HIRAP ng BUHAY😔

Sa panahon po ngayon, mataas ang bilihin, mababa ang kita. Kaya hindi na nakakagulat na ang typical na pagkain sa maraming hapag-kainan ay:

🍜 Instant noodles
🍚 Kanin
🥫 Ultra-processed at murang delata

Ito ang affordable—pero hindi nutritious.😔
Sa bawat tipid natin sa pagkain, minsan ang kabayaran ay ang kalusugan.

📉 Kaya dumarami po ang kaso ng chronic kidney disease (CKD), diabetes, hypertension, at iba pang metabolic diseases—hindi lang sa matatanda, kundi pati sa mas bata.

🛑 Hindi po ito simpleng problema ng “pagkain ng bawal”—ito ay problema ng ACCESS sa tunay na pagkain.

✅ Real food is medicine.
✅ Protektahan ang bato, atay, puso, at buong katawan sa pamamagitan ng mas matalinong pagpili.
✅ Hindi kailangang mahal para maging healthy—kailangan lang ng tamang kaalaman at gabay.

📣 Panahon na po para i-prioritize ang health kahit sa gitna ng kahirapan. EDUCATION and EMPOWERMENT can save lives.💪💯






🩺 Bawat Oras, Bawat Buhay: Isang Panawagan para sa Pag-iwas sa Chronic Kidney Failure sa PilipinasAyon sa National Kidne...
03/08/2025

🩺 Bawat Oras, Bawat Buhay: Isang Panawagan para sa Pag-iwas sa Chronic Kidney Failure sa Pilipinas

Ayon sa National Kidney Transplant Institute, isang Pilipino ang nagkakaroon ng chronic kidney failure kada oras—isang katotohanan na nagpapakita ng tahimik ngunit matinding krisis sa ating kalusugan.

Sa humigit-kumulang 120 bagong kaso bawat isang milyong tao taon-taon, hindi na sapat ang pag-asa sa mga ospital o subsidyo. Kailangan nating baguhin ang mismong takbo ng ating pamumuhay.

🇵🇭 Ito ay hindi lamang datos—ito ay babala.

Ang surge ng diabetes at hypertension ay patuloy na lumalala, sinasamahan ng pagkalat ng paninigarilyo, va**ng, labis na katabaan, at kawalan ng aktibong kilos sa araw-araw.

Hindi natin maiiwasan ang kidney failure kung ang mismong ugat ng sakit ay patuloy nating binabalewala.

💡 Ano ang dapat nating gawin, bilang sambayanang Pilipino?

🔄 Systemic Solutions Through Personal Commitment:

1. Ipatupad ang Preventive Health Education sa paaralan, barangay, at workplace.

Maagang pag-unawa sa panganib ng lifestyle-related diseases ay susi sa pagbabago ng kaugalian.

2. I-regulate ang mga produkto gaya ng v**e at junk food sa lokal na pamahalaan.

Kung hindi maayos na napapatupad sa pambansang antas, lokal na LGU ang maaaring kumilos para sa proteksiyon ng kanilang nasasakupan.

3. Palakasin ang community-based screening para sa diabetes, BP, at kidney function.

Simpleng check-up sa barangay ay makakatuklas ng sakit bago pa ito lumala.

4. Paigtingin ang public campaigns sa mga media platform.

Gumamit ng mga kwento ng tunay na buhay na biktima ng kidney failure upang maantig ang damdamin at gisingin ang kamalayan.

5. Ipatupad ang “Healthy Filipino Movement” sa grassroots level.

Hikayatin ang walking clubs, community nutrition gardens, at wellness circles sa mga barangay.

❤️ At sa bawat tahanan:

• Bawasan ang asin at asukal sa pagkain
• Piliin ang tubig kaysa soft drinks
• Maglaan ng kahit 30 minutong lakad bawat araw
• Iwasan ang paninigarilyo at paggamit ng v**e
• Sumailalim sa regular check-up kahit walang nararamdaman

📣 Bawat Pilipino ay may kakayahang pigilan ang kidney failure.
Ang kalusugan ay hindi pribilehiyo ng mayaman—ito ay karapatan ng bawat mamamayan. Ngunit ang karapatang ito ay dapat sinusuportahan ng kaalaman, kaugalian, at kolektibong pagkilos.

Sa bawat oras na may bagong kaso, alalahanin—may isa ring pagkakataon upang kumilos.
Gawin nating responsibilidad ang pag-iwas. Dahil ang tunay na pagbabago ay nagsisimula hindi sa ospital, kundi sa tahanan.




Tony Leachon

TV Maria

Mayor Doy Leachon

Luchi Cruz Valdes

Isang Pilipino kada oras ang nagkakaroon ng chronic kidney failure, ayon sa pagtataya ng National Kidney Transplant Institute. Katumbas ito ng humigit-kumulang 120 bagong kaso kada isang milyong tao taon-taon.

Nasa comment section ang link sa ulat.

27/07/2025

🚭 BAWAL ANG YOSI AT V**E SA MGA EVACUATION CENTER 🚭

Ayon sa datos ng DSWD, nananatiling 54,809 na pamilya o 198,052 na indibidwal ang kasalukuyang nasa loob ng 1,689 evacuation centers sa bansa matapos ang sunod sunod na ulan nitong mga nakaraang araw.

Dahil dito, ipinaalala ng Department of Health na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng sigarilyo at v**e sa mga pampublikong lugar—kabilang ang paaralan at evacuation centers, ayon sa Republic Act 9211 at Executive Order No. 106.

Ang sigarilyo at v**e ay:

🚭 masama lalo na para sa may hika, ubo, o iba pang sakit
🚭 delikado para sa mga buntis, sanggol, at bata
🚭 pwedeng pagmulan ng sunog

📞 Para naman sa tulong sa pagquit, tumawag sa DOH Quitline 1558.

Igalang ang kalusugan at kaligtasan ng lahat.








27/07/2025

Dengue Fever: What You Need to Know

Symptoms:
- High fever
- Severe headache
- Pain behind the eyes
- Joint and muscle pain
- Skin rash (appears 2–5 days after fever)
- Mild bleeding (nose or gums)

Prevention:
1. Use mosquito repellent.
2. Wear long-sleeved clothing.
3. Install screens on windows and doors.
4. Eliminate standing water where mosquitoes breed.
5. Use mosquito nets while sleeping.

First Aid Tips:
- Rest and hydrate with plenty of fluids.
- Take acetaminophen for fever; avoid aspirin and ibuprofen as they can increase bleeding risk.
- Seek medical attention if symptoms worsen, such as severe abdominal pain or persistent vomiting.

Stay informed & protected! 🌿

24/07/2025
24/07/2025

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







21/07/2025
21/07/2025
21/07/2025

TINGNAN | Handa ka na ba, o aasa ka na lang? 🤔

Sa panahon ng bagyo, hindi pwede ang 'bahala na.'

Protektahan ang inyong pamilya! Ugaliin ang pagbuo ng emergency balde o e-balde na maaaring maging sandigan sa oras ng sakuna. Hindi ito basta balde—ito ang lifesaver mo at ng pamilya mo.

📌 Ano ang laman ng e-balde?
✔️ Tubig at pagkain – ready-to-eat, de lata, at 3 galon ng inuming tubig
✔️ Gadget para sa komunikasyon – cellphone, radyo, extra baterya, powerbank
✔️ Pangkalusugan – first aid kit, gamot sa ubo, lagnat, sipon, hygiene kit
✔️ Mahahalagang dokumento – nakaselyo sa plastic o waterproof na lalagyan
✔️ Kasuotan – kapote, bota, tsinelas, malong, helmet, extra damit
✔️ Iba pa – flashlight, posporo, pito, ballpen, lubid, pera

Hindi natin hawak ang bagyo, ngunit hawak natin ang kahandaan at maagang pag-iingat.
Maging maagap, may-alam, at handang-handa.

Maging L!STO — para sa pamilya, para sa bayan.

21/07/2025

🚨 DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA 🚨

Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. 🦠

Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.

Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.

Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. 📞




21/07/2025

Address

Can-Avid
6806

Telephone

+639154559160

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ESSU Can-avid Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram