Manunulat ng tula

Manunulat ng tula Please support my page🙏🙏

02/03/2025

"Huling tula"
Manunulat ng tula

Mahal kita pero ako sobrang pagod na.
Lahat binigay ko sayo sinta.
Kasalanan ba kong sarili ko muna.
Pinaparamdam mo sakin ay sobrang sakit na.

Sabi mo walang mag babago!
Pero hanggang salita lang pala ang kaya mo.
Sabi mo akoy iyong ipapanalo hanggang sa dulo.
Dimo manlang naisip ang nararamdaman ko.

Ngayon sarili ay palalayain.
Pag tayo ay nag kita hindi na mahuhulog sayo.
Sayo ay hindi na babalik kailan man.
Hindi na ulit mahuhulog sa mga patibong mo.

Ito ay huling tula para sa iyo sinta.
Sana maka hanap ka ng mamahalin ka ng sobra.
Minahal kita hindi ko iyon ipag aakila.
Ay sana gawin mo siyang prinsesa

-Erick

01/03/2025

"Ikaw parin"
-Manunulat ng tula

Anong Meron sayo?
Sa isip ikaw parin ang gumugulo.
Puso ko'y hanggang ngayon ay nalilito.
Kahit ang tagal na mula nong nag hiwalay tayo.

Ilang panahon narin ang lumipas.
Ngunit presensya mo ay sobrang lakas.
Akala ko mawawala kana ng wagas.
Sa pag ibig ko sayo ay totoo at wagas.

Sa bawat pag harap ko sa salamin tuwing umaga.
Ngunit napaka layo muna.
Pero ikaw parin ang ninanais kong makasama.
Pero hindi ko alam kong nasaan kana.

Tayo ay malayo na sa isa't isa.
Pero mata at ngiti mo parin ang nakikita.
Ngunit ikaw parin ang naaalala.
Kahit ikaw nag dahilan ng aking pag luha.

Akoy umaasa pa.
Dalangin ko sanay nasa mabuti ka.
Sana balang araw tayo ay mag kita pa.
At muling makasama ka.

-Erick

27/02/2025

Rosas"
-Manunulat ng tula

Tinik na nag mistulang Rosas.
Simisigaw na nga luha galing sa mata.
Mga dugo ang ginamit na tinta.
Istorya ng buhay na makikita sa mata.

Kulay ay paiba iba.
Ito sakin ay nag bibigay ganda.
Gayundi ang ugali na kakaiba.
Na nakaka akit para sa iba.

Pilit hinahanap ang katugma.
Hindi mabigayang pansin ang mga salita.
Katawan at unti unti ng nang hihina.
Dahon ko ay nalalanta na.

-Erick

26/02/2025

Huling kabanata
-Manunulat ng tula

Huling kabanata na ang aking ginagawa.
Ngunit ikaw parin ang paksa at tugma.
Sinimulan ko sa umpisa.
Mga alala nating dalawa.

Tuluyan kong aalisin at lilimutin.
Mga masasayang alala ay mawawala na.
Ito na ang huling kabanata nating dalawa.
Di sana mawawala kong dika nag hanap ng iba.

Mahal tinatapos kona simula't dulo ay lilimutin kona.
Tatanggalin na ang imahe nating dalawa.
Istorya at masasayang alala ay lilimutin na.
Salamat dahil ikaw ang nakilala at naka sama sa huling kabanata.

-Erick

25/02/2025

Binuo kita para sa iba"
-Manunulat ng tula

Naalala mopa ba nong panahon na iniwan ka nya?.
Ako ang naging sandalan at pahinga mo.
Ako ang nasa tabi sa tuwing nag iisa ka.
Palaging sinasabi sayo na mahalaga ka.

Sinamahan kita nong nag durugo pa ang puso mo.
Ako ang nag ayos at nag pahid ng luha mo.
Ako ang nag silbi sa madilim mong mundo.
Upang hapdi at kirot ay tuluyang mag laho.

Tinulungan kitang limutin ang mapait mong nakaraan.
Dinamayan ka lagi upang lungkot ay maibsan.
Mga bangungut at sakit na iyong pinag daanan.
Nang sa gayon ay gumaan ang yong pakiramdam.

Habang tumatagal,nakikita kona ang iyong mga ngiti.
At bumabalik narin ang pag mamahal mo sayong sarili.
Dahil unti-unti ng napapawi ang hapdi.
Kaya ang kaligayanhan ko ay hindi na maikubli.

-Erick

25/02/2025

Libro nating ginawa"
-Manunulat ng tula

Muli kong binalikan ang libro nating dalawa.
Ang saya pala natin sa unang pahina.
Hindi ko akalaing ganon lang ang wakas ng ating istorya.
Bakit masakit nong nasa huling kabanata na.

Sinta masakit parin pala.
Akala ko tapos na.
Akala ko wala na,meron pa pala.
Ngunit hindi ko parin kaya.

Habang binabasa ko ang istorya nating dalawa.
Bakit ang ikli ng panahon na binigay satin.
Hindi mapigilang bumagsak ang luha sa mata.
Bakit ganon nalang natapos ang ating kwento na dapat sana ay Masaya.

-Erick

13/02/2025

Nature love"
-Manunulat ng tula

Hindi lang naman siguro ako ang maka punta.
Umakyat sa bundok at maligo sa sapa.
Langhapin ang simuy ng hangin tuwing Umaga.

Ang sarap mag lakbay.
Maging Malaya sa pagtanaw sa bundok na maganda ang taglay.
Tapos,kasama ka sa pag lalakbay.
Kaya't wag kanang humindi mag bihis na upang makasabay.

Simuy ng hangin sa probinsya.
Malaki ang pinag kaiba.
Polusyon sa Maynila.
Matataas na gusali sa kanila.
Pero kahit na ganon sa pilipinas naka tira.

-Erick

07/02/2025

PAGHANGA"
-MANUNULAT NG TULA

May pa tingin tingin pa sayo sa malayo.
Nag tataka kong anong meron Sayo.
Hindi mawari kong anong punto.
Isip ko'y ginagambala mo.

Isa lamang tong pag hanga diba?
Ginagawang bida sa Isang nobela.
Na ikaw ang pinag aalayan ng tula.
At ikaw at Ako ang siyang paksa.

Mabigyan kaya tayo ng pag kakataon.
Na pag bigyan ng panahon.
Bilang isang taong may pag hanga sayo.
Nais kong kasing makilala mo ako.

Isa lamang bang pag hanga?
Pangalan mo sa bawat kwento hindi mawala wala.
Kung sa bawat gabi ngiti mo ang nakikita.
Ipag darasal ko pati Kay bathala na maging tayong dalawa.

-Erick

03/02/2025

Hindi laging magaling"
-Manunulat ng tula

Nawawala na ang galing at husay.
Napapadalas nadin ang iyong pag sablay.
May mga araw na hindi kana din nakaka sabay.
Nasaan na ang iyong lakas at tibay.

Hindi na ikaw ang dating nauuna.
Nag lalaho nadin ang matataas na Marka.
Halos naka palakpak kana lang sa tagumpay ng iba.
Na ang tagumpay ay iyo ng inabandona.

Hindi kana katulad ng dati.
Anong nang yari?
Na ang dulo ay Hindi Muna kayang marating.
Hindi na ikaw ang mahusay at magaling.

Ngunit sa mga salitang pilit na binabaon.
Mag iba man ang pupuntahan ng direksyon.
Sa a positibo parin naka tuon.
Iisa parin ang patutunguhan distinasyon.

Kagaya tula ay nawawala rin yan sa tugma,tunog at bigkas.
Hindi naman laging magaling at malakas.
Kagaya ng buwan hindi laging bilog at buo.
Dahil minsan nag babago rin ito ng hugis at anyo.

Na ang papagiging perpekto ay hindi natin sinasalamin.
Kaya't bakit di nating subukang tanggapin.
Dahil sa pagiging mahusay.
May kapalit na sablay.

-Erick

01/02/2025

Piniling mag pa ubaya"
-Manunulat ng tula

Minsan palaging sumasagi sa isipan ko.
Ihinto kong anong nararandaman ng puso ko.
Mas maganda pa yatang ihinto ito.
Kasi from the start hindi naman talaga ako Ang iyong gusto.

Mas nakakabuti pang mag paubaya Ako.
Kaya nong nobyembre bente syete sinabi ko sa Sarili ko.
Teka oonga pala "walang Tayo"
Self tama na,Tama ng umasa sa taong gusto ay iba.

Nakakasawa din pala na mag makaawa na gustuhin mo.
Alam mo kong bakit?
useless din tong pag paparinig ko Sayo.
Hindi mo din naman Ako gusto.

Sa Ngayon mas gugustuhin kopang mag paubaya.
Sayang nga eh ginusto panaman kita.
Kesa mag makaawa sayo.
Sya parin naman ang pipiliin mo.

-Erick

26/01/2025

"Ikaw ang pamagat"

Oh aking sinta.
Sa bawat sinulat na tula.
Ikaw ang paborito kong paksa.
Kahit maubusan pa ng papel at tinta.

Ikaw ang lakas sa aking pagiging makata.
Kahit sa bawat taludtud ay di tayo mag katugma.
Kahit maubusan pa ng letra at salita.
Masabi lang sayo ang katagang "Gusto Kita"

Sa tulang ito ikaw ang nag sisilbing tayutay.
Sa bawat saknong ikaw ang nag bibigay Buhay.
Sa pag papahayag ng damdamin binibigyan mong kulay.
At sigla sa bawat tula na sinulat ng aking kamay.

Sa tulang ito na ikaw ang pamagat.
Mapunit man ang papel sa luhang pumapatak.
Na laging tumatakbo sa utak tuwing akoy nag susulat.
Dahil diko kabisado bawat sukat.

Bawat pantig ng paglalarawan sayo ay makabuluhan.
Sa pagtipa ng mga letra ay ikaw ang kalakasan.
Mga letrang pinipilit ihulma ang iyong pangalan.
Mabuo lamang ang kwento nating puno ng kalungkutan.

Habang sinusulat ko ang tulang ito.
Kwentong sabay nating binuo.
Hinihiling na sanay wag ng matapos ang ating kwento.
Ngunit kailangan ng tuldukan upang Hindi na masaktan ng husto.

-Erick
-Manunulat ng tula

25/01/2025

Paubaya"
-Manunulat ng tula

Naaalala mo paba nong simula?
Una nating pag kikita.
Noong buo pa ating pag titiwala.
Kahit sa huli'y hindi mawawala.

Ako, naaalala ko parin ang lahat.
Sa pamamagitan ng pag sulat.
Lalo na noong atin ng isiniwalat.
Na isa't isa para sa atin ay sapat.

Ngunit bakit biglang nag bago.
Mga kilig ay biglang nagpabigo.
Sa akin ang iyong pakikitungo.
noong nalaman ang tinatago.

Bakit diko na ngayon marinig.
Kahit sa harapan mo tumindig.
Ang ngiti mo pag pinakikilig.
Diko na ramdam ang iyong pag ibig.

Masakit kapag iyong pinilit.
Wag mag alala dahil Dina lalapit.
Bibitaw ka kahit ihigpit ang kait.
Kahit pag ka durog ang kapalit.

Siya ang sayo'y nag papasaya.
Na Minsan Sayo ay nag paligaya.
Kaya handa akong mag palaya.
Kong sya na talaga handa akong mag paubaya.

-Erick

Address

Baloyboy Masin Sur
Candelaria

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manunulat ng tula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share