
15/08/2025
🇫🇮 Paano Ako Nakapunta sa Finland bilang Apprenticeship Practical Nurse Student
✈️ Galing Saudi Arabia 🇸🇦, nag-apply ako sa Silkkitie (dating Silkroad Recruitment LTD) at dumating sa Finland 🇫🇮 sa pamamagitan ng Apprenticeship Practical Nurse Student Program — kombinasyon ng on-the-job training at theoretical studies na parehong provided ng employer.
Pwede mag-apply kung:
• Graduate ng Caregiver / Nursing Assistant
• Nurse graduate o Licensed Nurse (Pilipinas o abroad)
• May diploma/certificate sa healthcare
• May work experience sa healthcare
• Libre ang Finnish language training bago umalis
• 1 taon na Finnish language training required
• less than 100k pesos ang Budget
⸻
💡 Bakit Apprenticeship ang Pinili Ko?
• May sweldo habang nag-aaral (taxable)
• 4 days OJT + 1 day school + 2 days off
• Mas mabilis ang proseso kumpara sa Student Pathway
• May chance maging Licensed Practical Nurse, at magpatuloy bilang Registered Nurse ❤️
• Pwede mag part-time (up to 30 hrs/week)
⸻
🙋♂️ Bakit hindi ako nag Student Pathway?
• Maganda rin ang Student Pathway, pero dapat handa sa malaking investment
• Malaki ang gastos (tuition, rent, pagkain) — umaabot ng ilang milyon
• Kailangan financially stable, huwag umasa agad sa part-time (mataas ang competition)
• Kung uutang, pag-isipang mabuti (10x o 100x)
• Bilang student, pwede kang magtrabaho up to 30 hours/week ayon sa batas at recruitment agency/consultancy — pero walang garantiya ng trabaho agad
⸻
📌 Paano Mag-apply?
Ako ay produkto ng Silkkitie (dating Silkroad Recruitment LTD)
🔗 https://workinfinland.silkroad.fi/ (Full line-up na po)
HSS – Work in Finland
📩 Open for new applicants
🔗 https://www.hsso.fi/
Legit Agency sa pinas🇵🇭
EDI Staffbuilders – Walang Placement Fee
🔗 https://careerleap.edistaffbuilders.com/
Topmake – Counterpart agency sa Pilipinas
🔗 https://www.topmake.ph/
⸻
💙 Good luck sa mga nangangarap mag-Finland!
Ingat sa pagpili ng pathway — siguraduhing handa ka sa gastusin at hamon ng bagong buhay sa ibang bansa.
📸 Year 2023