29/03/2022
Ang FLU or INFLUENZA ay hindi simpleng trangkaso lang. Maari pong magka komplikasyon lalo na ang mga baby/ bata at ang mga matatanda. Ilan sa mga maaring maging komplikasyon ay dehydration, middle ear infection, sinusitis, at pneumonia.
Protektahan natin ang ating sarili at mga pamilya. Maari po silang magpa bakuna sa pinakamalapit na Pedia or Doctor sa kanila. Available na po ang Flu vaccine 2022 sa karamihan ng mga clinic/ hospital.
Sa mga pasyente ko po sa Laguna, available po ito sa Global Care Canlubang and Qualimed Nuvali. Maari din pong magpa schedule ng house call.
Thank you and alalahanin po natin na PREVENTION is always BETTER than CURE.