28/07/2025
Maulan na umaga po, mga mommies! 🌧️
Ingat po tayong lahat, lalo na sa gitna ng sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar.
Bilang pag-iingat, narito po ang ilang mahalagang paalala at dagdag-kaalaman tungkol sa mga posibleng sakit na maaaring makuha mula sa kontaminadong tubig-baha:
✅ Leptospirosis – mula sa ihi ng daga na nahahalo sa baha.
✅ Dengue – dulot ng lamok na maaaring dumami sa mga nakatambak na tubig.
✅ Hepatitis A – maaaring makuha mula sa maruming tubig o pagkain.
✅ Diarrhea at Typhoid Fever – dala rin ng kontaminadong inumin o pagkain.