28/07/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐, ๐
๐๐๐,๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐
๐๐)
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐, ๐
๐๐๐,๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐
๐๐)
Public Advisory No. 2025-026 | July 21, 2025
Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa rehiyon, muling pinapaalalahanan ng Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) ang publiko na maggnatiling alerto, maalam, at responsable upang maprotektahan ang sarili, pamilya, at komunidad labanl sa sakit na ito.
๐๐ป๐ด ๐๐๐ ๐ ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฑ๐ถ๐๐ฒ๐ฎ๐๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ผ๐น ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป. Bagamaโt kadalasang mild, self-limiting, at hindi nakakamatay, ito ay maaari pa ring magdulot ng seryosong komplikasyon tulad ng meningitis, encephalitis, at polio-like paralysis kung sakasakaling hindi maagapan.
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ๐ถ๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ:
Ang HFMD ay karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng direktang pagdikit sa mga likido mula sa ilong, bibig, at laway o mga respiratory droplets o di kaya likido mula sa mga paltos o sugat ng taong may impeksyon. Maari rin itong makuha sa paggamit ng mga kontaminadong bagay tulad ng kubyertos, baso, laruan.
๐ ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐๐ผ๐บ๐ฎ๐:
Lagnat, masakit na lalamunan, panghihina ng katawan o pagkabalisa, mapupulang butlig o singaw sa dila, ngalangala, o loob ng bibig, rashes sa palad, kamay, talampakan, at iba pang bahagi ng katawan, pagiging iritable ng mga sanggol at bata, at kawalan ng gana sa pagkain.
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ถ๐๐ผ ๐บ๐ฎ๐ถ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป:
1. Ugaliin ang madalas at tamang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon, o alcohol-based sanitizer.
2. Iwasan ang pagbabahagi ng mga personal na bagay gaya ng kutsara, baso, twalya, at iba pang kagamitan.
3. Linisin at i-disinfect ang mga kwarto, silid-aralan, mga kagamitan, at surfaces gamit ang karaniwang household disinfectants.
4. Kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center kung nakararamdam ng mga sintomas.
5. Agad na i-isolate ang may sakit upang maiwasan ang pagkahawa sa iba.
6. Siguraduhing mananatili sa bahay ang mga batang may sintomas hanggang sa sila ay ganap nang gumaling. Iwasang makihalubilo sa nakararami.
Sa karagdagang impormasyon at gabay, basahin ang DOH Department Memorandum No. 2022-0572 sa link na ito:https://tinyurl.com/mumjz557
Maging mapanuri at responsable sa pagprotekta sa ating kalusugan. Sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo mula sa DOH at sa lokal na pamahalaan. Sa sama-samang pag-iingat at pagkilos, mapipigilan natin ang pagkalat ng HFMD at mapapanatili natin ang kaligtasan ng ating mga komunidad.