01/06/2025
REPOSTING for my preggy patients who are asking about Tdap vaccine 🙂 TDAP stocks still available in the clinic 🤗
‼️ONE TDAP DOSE IS RECOMMENDED FOR EVERY PREGNANCY
‼️ Given during 27-36 weeks AOG
‼️ may replace one of the 3 Tetanus shots in a series
✳ BAKUNA LABAN SA TETANUS, DIPHTHERIA, AT PERTUSSIS SA PAGBUBUNTIS ✳
Madalas natin marinig sa ating mga health care providers ang Tetanus toxoid (Td) at Tetanus toxoid, diphtheria toxoid, acellular pertussis (Tdap) sa pagbubuntis.
🔅 Ang neonatal tetanus ay bihira na sa mga bansa na maayos at kumpleto ang pagbabakuna ng tetanus vaccine. Epektibo ito ng 90%. Ngunit sa mga developing countries (kagaya ng Pilipinas), isa pa rin ito sa sanhi ng pagkamatay ng baby dahil sa hindi malinis na paggupit ng umbilical cord pagkapanganak, hindi wasto ang kalinisan sa delivery area, at hindi pagbabakuna ng anti-tetanus sa mga buntis.
May nabasa ako sa isang grupo ng mommies, nagtatanungan sila ng presyo. 😅 Bakit daw sa isang OB, 2000-2500 daw ang bakuna sa tetanus, tapos sa iba daw 200 pesos lang, sa health centers libre pa nga. So na judge yung mga private OBs. Hehehe 😂😂😂
Magkaiba po kasi ang Td sa Tdap, kaya magkaiba sila ng presyo:
✔Td - 100-200 pesos (libre sa health centers)
✔Tdap - around 2000-2500 pesos sa private hospitals (depende sa presyo ng supplier) - MERON KASI ITONG BAKUNA LABAN SA ✅DIPHTHERIA (impeksyon sa baga na sanhi ng toxin-producing strain na C. diphtheria; nagdudulot ito ng pagkasira ng puso, nervous system, at kidneys) AT ✅PERTUSSIS (whooping cough; nagdudulot ng hirap sa paghinga, pagsusuka ni baby; minsan ay may episode ng hindi paghinga, pulmonya, kombulsyon, at pagkamatay) kaya mas mahal.
Gaya ng nabanggit sa poster, ang Td ay binibigay depende sa immunization status:
📛 Kung kumpleto na ang iyong bakuna (3 doses) ng Td, KAILANGAN MO PA RIN NG ISANG DOSE NG TDAP na binibigay between 27-36 weeks age of gestation. Bakit? Kasi para ito maproteksyonan si baby laban sa pertussis na WALA SA Td.
📛 Kung hindi ka naman nabakunahan, hindi kumpleto, o na amnesia ka na talaga kung nabakunahan ka ba o hindi, kailangan mo mabakunahan ng 3 doses ng Td; isa sa mga ito ay kasama ng Tdap.
Kung naguguluhan ka na 😂, ipapaliwanag ito sa iyo ng inyong OB. :)
~Doc Jana 😊