07/09/2025
โผ๏ธKIDNEY FAILURE AWARENESS โผ๏ธ
Kung ayaw mong umupo dito ng 4 hours, 3x a week at matusok ng dalawang malaking karayom para i-connect sa machine na โyan, wag ka nang matigas ang ulo mo! Puno na ang mga dialysis center, wala ka ng slot. Hindi ka na welcome kaya wag ka nang pasaway. Alagaan mo ang sarili mo habang maaga pa. Prevention ang susi. Mahirap magkasakit, at lalo pang magastos magkasakit.
Kung tamad kang uminom ng tubig ngayon, baguhin mo na โyan! Sulitin mong uminom habang wala ka pang limit dahil kapag may CKD (chronic kidney disease) ka na, sobrang limitado na ang pwede mong inumin na tubig. Tigilan mo na kakainom ng soda (favorite mong Coke), lahat ng makukulay na inumin, tigilan mo na rin ang alak. Iwasan mo rin ang mga processed food, noodles, pagkaing mayaman sa preservatives tulad ng ketchup, pati paborito mong french fries.
Kasabay nito, tulungan mo rin ang katawan mo sa pamamagitan ng tamang nutrisyon at mga food supplement na makakatulong para palakasin ang immune system, protektahan ang kidneys, at suportahan ang overall health. Tandaan, food supplement ay hindi gamot at hindi pwedeng pamalit sa healthy lifestyle, pero malaking tulong ito para maiwasan ang kakulangan sa nutrisyon at ma-protektahan ang katawan mo.
Kung naresetahan ka ng doctor ng maintenance na gamot para sa high blood, wag mong itigil hanggang hindi sinasabi ng doctor. M
Kung mahal mo ang pamilya mo at gusto mong humaba ang buhay mo kasama sila, unahin mo ang prevention, alagaan mo ang sarili mo, kumain ng tama, at huwag kalimutang suportahan ang katawan gamit ang tamang food supplement.
Love your kidney, love your body.
Prevention is better than cure!