
03/08/2025
🛡️🤰Safe ba ang Anti-Rabies Vaccine sa Buntis?
Sagutin natin!
✅ Oo, ligtas ito! Hindi ito live virus vaccine kaya walang panganib na maipasa ang rabies virus sa baby sa sinapupunan.
✅ Ayon sa WHO, walang masamang epekto sa buntis o sa baby ang anti-rabies vaccine.
⚠️ Mas delikado kung hindi magpapabakuna ang buntis na may exposure sa rabies — dahil ang rabies ay halos 100% fatal kapag nagka-sintomas.
📌 Paalala:
Kung malala ang sugat at hindi pa bakunado, maaaring kailangan din ang RIG (ERIG o HRIG) — ligtas din ito para sa buntis.
💡Anong dapat gawin ng buntis na nakagat o nakalmot?
1. Hugasan agad ang sugat ng dumadaloy na tubig at sabon sa loob ng 15 minuto.
2. Pumunta agad sa AVMR Animal Bite Center o ospital.
3. Sabihin sa doktor na ikaw ay buntis para ma-monitor nang maayos ang pagbabakuna.
🤰💉Ang kaligtasan mo at ng baby mo ang pinakaimportante!
📍Visit us at : 752 P.Burgos Avenue Brgy. San Roque, Cavite City beside TAPSIPAR and BIG BREW
🗓️ MONDAY-SUNDAY
🕰️ 8:00AM - 6:00PM
📞09624524816
📌Find us on Google Maps : https://maps.app.goo.gl/6DmspTjNNp8ve7WRA