20/09/2023
We all have the power to destroy anyone with the touch of the button in your cellphone but the consequence maybe devastating..
Sa lahat nang nakakabasa at makakabasa nito maari lang po naming linawin na ang mga nakalipas na post sa social media ay nagdulot nang matinding pagkabagabag at pagkabalisa lalo na sa mga involve.
Never kailanman naging perpekto ang tao para hindi magkamali ngunit kung dadagdagan pa ulit nang pagkakamali ay sobra na.
Nais lang po naming ipabatid na never lumapit sa amin (owner nang Matthias Pharmacy) upang isaayos ang mga nangyari datapwat sa ibang pamamaraan po sila nagpahayag nang saloobin na maaring ikahantong nang mabigat na kaso laban sa kanila.
Kami pa po ang lumapit at nagbigay nang saloobin para ayusin nang malumanay ang nangyari dahil sa totoo lamang po malaking dagok sa amin na nakukutya kami nang walang kalaban laban dahil lang sa maliit na pagkakamali na maari namang mapag-usapan.
Sa mga taong nag-comment sa post ni Guzman sa page nang Alta Tierra 1-4, may mga proweba kami na maaring ikahantong sa mabigat na kaso (dahil sa pagpapahayag nang pangalan nang aming botika na hanggad lamang ay magbigay serbisyo) ngunit minabuti na lang namin na manahinik.
At dahil sa humingi na sa amin nang dispensya ang involve sa insidenteng ito, minabuti na lang namin na patawarin sya kahit ang kanyang ginawa ay paninirang puri gamit ang social media na may kasong CYBER LIBEL na may pagakakakulong nang apat hanggang anim na taon kapag napatuyan sa korte (at maaring maging involve ang mga taong nagcomment nang mga mapanirang salita nang walang matibay na proweba sa papel or pahayagan.)
Kaya sana’y maging aral ito sa lahat na hindi porke’t may mga bagay na masasabi tayo ay karapat-dapat na agad ipahayag. Tandaan po natin na ang social media ay kasangkapan upang ang lahat nang mambabasa ay maaring paniwalaan or sang-ayunan ang ating sinasabi kahit walang matibay na batayan o kahit hindi pa natin nalalaman ang buong kwento.
Sana’y ito na ang maging huli at magsilbing huling pagkakamali ninuman na ndi na dapat maulit.
Maraming Salamat po.