15/01/2022
Drink a lot of water, take your vitamins daily and have a good rest para iwas sore throat and iwas virus β€
Sore Throat at Sipon: Paano Nahahawa
Payo ni Doc Willie Ong
Ang nakasasakal at makating pakiramdam sa iyong lalamunan ay isang pamilyar na palatandaan na ikaw ay magkakaroon ng sipon o trangkaso (influenza). Karamihan sa sore throat ay hindi naman nakapipinsala at kusa rin nawawala sa loob ng 5 hanggang 7 araw. Minsan maaaring bumili ng mga over-the-counter na gamot sa ubo para ito ay gumaling.
Karamihan sa sore throat ay dahil sa virus o bacteria na impeksyon. Ang mga virues at bacteria ay maaaring pumasok sa iyong bibig o ilong sa pamamagitan ng paglanghap ng particles mula sa pag-ubo o pag-bahing ng ibang tao. Pwede din na ikaw ay gumamit ng kutsara, tinidor, towel, laruan, doorknob, computer keyboard at telepono na gamit ng maysakit.
Ang sore throat ay maaaring sanhi ng allergy at dry air. Kapag ang sore throat ay mayroong kasamang pamamaga ng tonsil, ito ay tinatawag na tonsillitis.
Viral na Impeksyon:
Ang viruses ay kadalasan na pinanggagalingan ng sipon, trangkaso at sore throat. Ang sipon ay karaniwan na nawawala kapag ang iyong sistema ay nakabuo na ng antibodies laban sa virus na tumatagal ng 1 linggo.
Ang gamot na antibiotic ay hindi nakatutulong para gumaling ang viral infection. Ginagamit lang ang antibiotics sa bacterial infection, kung may lagnat, nana sa tonsils at maberdeng plema.
Kinakailangan lang ng panahon para tuluyan gumaling. Uminom ng maraming tubig, kumain ng prutas na mayaman sa vitamin C at magpahinga.