31/12/2025
DECEMBER 30, 2025:: TUESDAY
RIZAL 129th MARTRYDOM CELEBRATION
Ang Sangguniang Barangay ng San Juan ay nakiisa sa paggunita ng ika-129 na taon ng kamatayan ng ating Pambansang Bayani na si G*t. Dr. Jose P. Rizal. Si Punong Barangay Danilo Quita Amparo ay nakiisa sa The Plaza kung saan isinagawa ang pag-aalay ng bulaklak samantalang sa Dambana ni Rizal (Bahay Ni Rizal) ginanap ang kasunod na palatuntunan. Gayundin naman ang ibang mga Kagawad kasama ng Barangay Children's Association at Sangguniang Kabataan ay nakiisa sa pag-aalay at palatuntunan na inihanda ng pamunuan ng San Juan Elementary School.
Patunay ito ng ating patuloy na pag-alala at paggunita sa kabayanihan ni Rizal na tanging hindi gumamit ng armas upang makipaglaban bagkus ay minulat tayong mga Pilipino sa kanyang mga isinulat upang makamit natin ang kalayaan sa kasalukuyan.