26/09/2025
Ang kasong kinasangkutan ng mga kapatid na Tulfo hinggil sa ₱60M Department of Tourism (DOT) advertising deal ay malinaw na nag-ugat sa conflict of interest. Noong 2017, sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Wanda Tulfo-Teo, inilagay ng DOT ang ₱60M na pondo sa programang “Kilos Pronto” na pinoprodyus at pag-aari ng kanyang mga kapatid na sina Ben at Erwin Tulfo, at ipinalabas sa PTV-4.
Tinuligsa ng Commission on Audit (COA) ang transaksyon dahil walang memorandum of agreement o kontrata — malinaw na indikasyon ng iregularidad at maling paggamit ng pondo ng bayan. Sa gitna ng kontrobersya, napilitang magbitiw si Wanda Teo noong 2018. Bagamat nangako ang mga Tulfo na ibabalik ang ₱60M, kalaunan ay umatras sila at tumangging magsauli.
Noong Oktubre 2021, ibinasura ng Ombudsman ang kasong graft laban kina Wanda Teo, Ben, at iba pa dahil sa kawalan ng probable cause. Subalit noong Hulyo 2023, iniulat pa rin ng COA na hindi pa naibabalik ng PTV ang ₱75.8M na “disallowed payments” kaugnay ng ad deal sa Bitag Media Unlimited Inc.
Dagdag pa rito, may mabigat na legal baggage si Senador Erwin Tulfo — pinagtibay ng Korte Suprema noong 2008 ang kanyang conviction sa apat na kaso ng libel, na may kaakibat na ₱1M moral damages. Ito rin ang naging basehan ng ilang disqualification petitions dahil sa moral turpitude, kahit na na-dismiss sa Comelec sa teknikalidad.
Ngayon na si Erwin ay nakaupo bilang Senador, mas lalong mahalaga ang tanong:
Paano ipagkakatiwala ng bayan ang pamumuno sa isang taong may malinaw na rekord ng iregularidad at hatol ng hukuman?