06/07/2025
๐ฆ๐๐น๐๐ฎ๐ป ๐๐๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ, ๐ป๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ณ๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐ป๐ฒ๐๐ ๐ธ๐ฎ๐๐ด๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ ๐ฝ๐ผ๐
Sa gitna ng kumpirmadong mga kaso ng monkeypox (mpox) sa lalawigan, muling iginiit ng Sultan Kudarat Provincial Health Office (PHO) ang kahalagahan ng tamang impormasyon โ at ang panganib ng fake news.
Ayon kay Wendell Joe Donguines, Health Education Officer ng PHO, kailangang magkaisa ang lahat para labanan ang maling impormasyon na nagpapalala sa sitwasyon.
โWe urge everyone to get their facts from trusted sources like the PHO or their local health office,โ ani Donguines.
Tatlong kaso ng mpox ang naitala sa Sultan Kudarat โ isa sa Bagumbayan at dalawa sa Tacurong City. Sa halip na mag-panic, paalala ng PHO na manatiling maingat at magpraktis ng tamang kalinisan sa katawan.
โFake news creates confusion, panic, and distrustโwhich hamper our response efforts,โ dagdag pa ni Donguines.
Nagbabala rin siya laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa sakit sa social media, na aniya ay nakakapinsala sa halip na makatulong. Aniya, ang pagkakalat ng tsismis o di-beripikadong impormasyon ay nagpapahirap sa pagpigil ng pagkalat ng sakit.
โNow is the time to be part of the solution, not the problem,โ panawagan niya.
Pinaigting ng PHO ang information drive sa pamamagitan ng radyo, social media, at pakikipag-ugnayan sa mga Municipal Health Office upang makapaghatid ng wastong kaalaman sa mga komunidad. Nakikipag-ugnayan na rin sila sa PNP Anti-Cybercrime Group upang tugisin ang mga pasimuno ng online disinformation.
Paalala ng PHO: Panatilihin ang basic health measures tulad ng regular na paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa malapitang kontak sa may sakit, at agarang pagpapatingin sa doktor kapag may sintomas.