29/05/2025
Bakit Nakakamatay ang Mpox?
Karamihan ng kaso ng Mpox ay mild at gumagaling naman.
Pero delikado ito para sa:
• Mga taong mahina ang immune system (tulad ng may HIV, cancer, o umiinom ng immunosuppressants)
• Mga bata, lalo na under 8 years old
• Mga buntis
⸻
⚠️ Mga Dahilan Kung Bakit Maaaring Ikamatay ang Mpox:
1. Malalang Impeksyon at Pinsala sa Organs
– Kapag kumalat ang virus sa loob ng katawan, maaaring tamaan ang baga, atay, o utak.
2. Secondary Bacterial Infection
– Pwedeng pasukin ng bacteria ang mga sugat, at magdulot ng sepsis (matinding impeksyon sa dugo).
3. Problema sa Paghinga
– Kapag may mga lesions sa loob ng lalamunan o baga, pwedeng mahirapang huminga o magkaroon ng pneumonia.
4. Encephalitis (Pamamaga ng Utak)
– Rare pero seryoso. Maaaring magdulot ng seizures, coma, o kamatayan.
5. Matinding Pagkadehydrated o Malnutrition
– Kapag masakit ang lalamunan o bibig dahil sa mga lesions, nahihirapan kumain o uminom, lalo na ang mga bata.
⸻
📊 Gaano Kadalas ang Namamatay?
• Clade I (Central Africa strain) – hanggang 10% fatality rate
• Clade II (West Africa strain) – mas mild, less than 1% fatality
Ang karamihan sa mga kaso ngayon ay mula sa Clade II, pero panganib pa rin ito sa mga high-risk na pasyente.
Doc Marites Health is a public service feature of this Page
(Marites is short for Mata, Richard Tesoro)
Follow for more.