16/12/2021
Medical Outreach program ni MP Khadafeh Mangudadatu, inaasahang isasagawa sa darating na January 2022 at pagbasura ng korte sa kasong double murder ng kanyang mga kapatid ikinatuwa nito.
Cotabato City | December 16, 2021 — Masayang ibinalita ni BTA Member of the Parliament Khadafeh "Toy" Mangudadatu, ang paghahanda ng kanyang tanggapan sa inaasahang gaganaping Medical Outreach Program sa darating na January 17, 2022.
Sinabi ni MP Mangudadatu, nasa dalawang daang indibiduwal ang sinisigurong makakatanggap ng mga programa kong saan kinabibilangan ito ng mga Wheelchairs, BP-Apparatus, Hearing Aid,Medicine at iba pa.
Ang nasabing aktibidad ay mayroong alokasyong isang milyong piso na gagamitin sa mga medical activities na napabilang sa natukoy na listahan mula sa Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Maliban sa nasabing programa, kanya rin ibinida ang community program na Jolli-TOY kung saan hinango ito sa Jollibee na aabot nang 1,000 pagkaing handog sa mga batang lansangan kabilang narin ang programang nakatuon sa religious sector na tumutugon sa abot ng kanyang makakaya.
Samantala, nagbigay rin ng pahayag si MP Toy Mangudadatu, kong saan ikinatuwa nito ang pagbasura ng korte patungkol sa kinasasangkutang kaso ng kanyang dalawang kapatid na umano'y pagpatay sa dating treasurer ng Buluan municipality sa probinsya ng Maguindanao.
Kong matatandaan sa Voice FM balita, mariing nanindigan ang pamilya Mangudadatu na isa umano itong uri ng political harassment ang nasabing kaso dahil 21 taon na ang nakalipas nang mangyari ang insidente at ngayon lamang lumabas ang usaping ito lalo't papalapi't na ang halalan 2022.
Kaugnay nito narito ang naging takbo ng panayam ng Voice Fm News Cotabato kay MP Khadafeh "Toy" Mangudadatu.