11/11/2023
Pag nagkaroon ng gestational diabetes ang ina, may epekto din ito sa sanggol habang ang bata ay lumalaki. Puwedeng maging labis ang timbang ng bata dahil may diabetes ang ina nung pinagbubuntis ito. Sa atin pa naman, tuwang tuwa tayo sa mga batang mataba. Dapat pong bantayan ang timbang ng bata kasi nga may tendency na maging overweight na makakasama sa kalusugan. Pag nagpa-follow up po ang bata sa pediatrician ay may growth chart na tinitingnan kung sobra na ba sa dapat na timbang.
At sa pagtanda ng bata at maging adult na, mataas din ang tsansa ng pagkakaroon ng altapresyon at type 2 diabetes. Kaya sana maiwasan na magkaroon ng gestational diabetes ang mga buntis. Sabi nga nila, "diabetes begets diabetes." Kung may diabetes ang ina, ang anak posibleng magkadiabetes din.