28/01/2026
Reminder sa mga nais mag-ayuno sa AYYÂMUL BIYDH (mga puting araw) ngayong BUWAN ng SHA’BAN 1447
📍Unang araw ng AYYÂMUL BIYDH, SUNDAY 13 SHA’BAN 1447 | 01 FEBRUARY 2026
📍Pangalawang araw ng AYYÂMUL BIYDH, MONDAY 14 SHA’BAN 1447 | 02 FEBRUARY 2026
📍Pangatlong araw ng AYYÂMUL BIYDH, TUESDAY 15 SHA’BAN 1447 | 03 FEBRUARY 2026
• عن أبي هريرة رضي الله عنه قال : ❞ أوصاني خليلي بثلاث لا أدعهن حتى أموت : صوم ثلاثة أيام من كل شهر ، وصلاة الضحى ، ونوم على وتر ❝ رواه البخاري ( ١١٢٤ ) ومسلم ( ٧٢١ )
• Ulat mula kay Abu Hurayrah (kalugdan nawa siya ng Allâh) sabi niya: Pinayuan ako ng aking matalik na kaibigan (ang Propeta Muhammad ﷺ) ng tatlong bagay hinding hindi ko iniwan hanggang sa ako’y mamamatay: ❝Ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, at pagsaSalâh ng SALÂTUDH DHUHÂ (pagkatapos ng pagsikat ng araw ng ilang minuto at magtatapos ito bago mag ÂDHÂN ng SALÂTUDH DHUHR), at magSalâh ng WITR bago matulog.❞ Bukhâri at Muslim
• عن أبي ذر رضي الله عنه قال : قال لي رسول الله ﷺ : ❞ إذا صمتَ شيئا من الشهر فصم ثلاث عشرة ، وأربع عشرة ، وخمس عشرة ❝ رواه الترمذي ( ٧٦١ ) والنسائي ( ٢٤٢٤ ) وصححه الألباني في “ صحيح الترغيب “ ( ١٠٣٨ )
• Ulat mula kay Abu Dharr (kalugdan nawa siya ng Allāh) sabi niya: Sinabi sa akin ng Sugo ng Allâh (ﷺ): ❝Kapag mag-ayuno ka sa isang buwan pag-ayunuhan mo ang ika-13, ika-14 at ika-15 nito.❞ At-Tirmidhie at An-Nasâe
• عَنْ عبدِاللَّهِ بنِ عَمْرِو بنِ العاصِ رَضي اللَّه عنهُما ، قالَ : قالَ رسولُ اللَّهِ ﷺ : ❞ صوْمُ ثلاثَةِ أَيَّامٍ منْ كلِّ شَهرٍ صوْمُ الدهْرِ كُلِّهِ ❝ متفقٌ عَلَيْهِ
• Ulat mula kay Abdullah Ibn Amru Bin Al’Âs (kalugdan nawa silang dawala ng Allâh) sabi niya, sabi ng Sugo ng Allâh (ﷺ): ❝Ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan ay katumbas ng pag-aayuno ng buong taon.❞ Bukhâri at Muslim
Note: Mas mainam pag-ayunuan ang isang araw bago ang AYYÂMUL BIYDH (ito ang araw ng Huwebes - 01 January 2026) at isang araw pagkatapos nito (ito ang araw ng Lunes (05 January 2026). Sapagka’t ang Propeta Muhammad ﷺ ay nag-aayuno tuwing Lunes at Huwebes noong nabubuhay pa siya.
عن أبي هريرة رضي الله عنه ، أن رسول الله ﷺ قال : ❞ تُعرض الأعمال يوم الاثنين والخميس ، فأحب أن يعرض عملي وأنا صائم ❝ رواه الترمذي ( ٧٤٧ ) وصححه الألباني في صحيح الترغيب ( ١٠٤١ )
Ulat mula kay Abu Hurayrah (kalugdan nawa siya ng Allâh), katotohanan ang Sugo ng Allâh (ﷺ) ay nagsabi: ❝Itataas ang mga gawa (mga mabubuting gawa o mga simba) sa araw ng Lunes at Huwebes, nais kong itataas ang aking gawa ako ay nag-aayuno.❞ At-Tirmidhie 747
📚Paalalahanan natin ang iba (pamilya, kamag-anak, kaibigan at mga kakilala) dahil ang nag-aanyaya sa kabutihan ay magkakamit ng gantimpala magkatulad ng gantimpala sa nagsagawa nito.
____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)