06/09/2019
Ang AO 2019-0007 ay pinublish po nung July 24, 2019 at ayon din sa AO at sa linabas na mga statement ng DOH FDA binibigyan ang industria ng 90 days or 3 months para maka-comply. Ang effective date ay Oct. 24, 2019.
Hindi man tayo sang-ayon at ang tingin natin ay hindi makatarungan ang AO na ito at sa ginagawang regulation ng DOH-FDA. Mabuti narin tayo ay maghanda para sa Oct. 24, 2019.
Tayo po ay puede mag apply ng lisensya sa FDA na nagsasabi ngayon na ang v**e industry ay ilalim sa kanilang jurisdiction, habang tayo ay nag-aantay ng batas galing sa kongreso o utos ng korte.
Sa ngayon ayon sa AO puede sila gumawa ng action na katulad ng pag confiscate o pag sara ng mga negosyo kung ang isang negosyo ay lumalabag sa utos ng kanilang AO. Inaabangan din po natin kung sila po ay papayag na bigyan ng extension ang industria dahil napaka iksi ng 3 months para maka comply sa ganitong uri ng hindi makatarungan na regulasyon.
Para sa atin po hindi dapat tanggalan ng karapatan ang v**ers na makapili ng sarili nilang flavors at hindi rin makatarungan ang “completong pag bawal ng ads and promotions sa ating producto” at ang pagsailalim sa kategoryang “Drugs” or “Household urban hazardous substances” ang eliquid.
Sa kasalukuyan po nakikipag usap din ang PECIA sa lower house at Senado upang makakuha ng suporta sa FAIR REGULATION LAW AT FAIR TAXATION NG V**E na maaring ipasa ng kongreso at matabunan at mapa walang bisa itong AO na ito, dahil ito naman talaga ay dapat trabaho ng Kongreso na taga gawa ng mga batas para sa atin lahat.
ITO PO AY GINAGAWA PARA SA KAPAKANAN NG LAHAT SA KOMMUNIDAD NG V**ERS AT INDUSTRIA NG VA**NG DITO SA ATING BANSA.
ANG BATAS NA MGA LUMALABAS ANG SAKOP AY PARA SA LAHAT, GANYAN PO ANG BATAS.
MULA PA NG 2013 lahat po ng ginagawa ng PECIA ay pinakinabangan ng lahat sa industria at v**ers. Miembro man o hindi. Wala po pinagkaiba sa ngayon. Ang makuha natin na panalo o pagkatalo ay panalo o pagkatalo ng buong industria na lahat tayo ay apektado.
Kaya suportahan po natin ang tamang laban!
Maraming Salamat po!