Talk To Dok Medical and Ultrasound Clinic

Talk To Dok Medical and Ultrasound Clinic Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Talk To Dok Medical and Ultrasound Clinic, Family doctor, Ermin Garcia Street corner EDSA Avenue Barangay E. Rodriguez, Cubao.

Paalala po ngayong tag-ulan mula kina Dok 👩🏻‍⚕️👨🏻‍⚕️
25/09/2025

Paalala po ngayong tag-ulan mula kina Dok 👩🏻‍⚕️👨🏻‍⚕️

DOH: MAG-INGAT SA BANTA NG PAGKALUNOD DAHIL SA BAHA

Bunsod ng paparating na Severe Tropical Storm Opong, inaasahan ang pagbaha ngayong araw sa mga probinsya ng Northern Samar, Eastern Samar, Sorsogon, Masbate, Samar, at Biliran.

May posibilidad din ng pagbaha sa Catanduanes, Leyte, Southern Leyte, at Dinagat Islands, lalo na sa mga lugar na madaling bahain o malapit sa mga ilog.

Pinaaalalahanan ng DOH ang publiko na mag-ingat sa pagkalunod. Maging handa rin sa pag-likas lalo na kapag nakatira malapit sa coastal areas.

Tignan ang flood advisory at storm surge warnings ng DOST-PAGASA para malaman ang lagay ng mga ilog at tabing dagat sa inyong lugar.

Narito ang ilang paalala para maiwasan ang pagkalunod.

Source: PAGASA Weather Advisory No. 23 (as of 5AM, September 25)





21/09/2025

Galaw-galaw! 🚶‍♂️🚶‍♀️

Check-up, check-up!👩🏻‍⚕️👨🏻‍⚕️🏥Open po kami until 4pm today - ang ating mga doktora ay ready to serve.📍Location: Talk To ...
21/09/2025

Check-up, check-up!👩🏻‍⚕️👨🏻‍⚕️

🏥Open po kami until 4pm today - ang ating mga doktora ay ready to serve.

📍Location: Talk To Dok Medical Clinic (hanapin sa Waze at Google)
Ermin Garcia corner EDSA, tapat ng Nepa Qmart, nasa taas lamang ng Nath’s Gotohan

21/09/2025

🚨 MAGING MAINGAT SA PAG-INOM NG ANTIBIOTICS 🚨

💊 Ang Doxycycline ay ginagamit laban sa bakterya na Leptospira, na maaaring makuha sa kontaminadong baha o putik kapag nakapasok sa sugat o galos.

‼ Huwag basta-basta uminom ng Doxycycline o anumang antibiotic nang walang payo ng doktor. Kapag mali ang paggamit, maaaring mawalan ng bisa ang gamot laban sa mga mikrobyo.

🏥 Paalala ng DOH: magpakonsulta sa health center kung lumusong sa baha, may sugat man o wala, para sa tamang rekomendasyon ng iyong doktor.




Stay safe po! 🩺
20/09/2025

Stay safe po! 🩺

DOH: PANATILIHIN ANG KALIGTASAN KUNG SASALI SA MALAKING PAGTITIPON

Nagpaalala ang DOH na gawing prayoridad ang kaligtasan sa magagandap na malaking pagtitipon kaugnay ng Trillion Peso March bukas, araw ng Linggo.

Una, alamin ang detalye ng pagtitipon at ang inaasahang lagay ng panahon. dalhin ang essentials gaya ng face mask, alcohol o hand sanitizer, pamaypay, tubig, sumbrero, tuwalya, at maintenance medicines.

Kumain nang sapat bago umalis, magsuot nang magaan at kumportableng damit, at tiyaking fully charged ang cellphone.

Payo ng DOH, hangga’t maaari ay huwag nang dumalo kung nakararanas ng mga sintomas ng sakit gaya ng lagnat, ubo, at sipon para maiwasan ang hawahan.

Habang nasa pagtitipon, panatilihin ang kalinisan ng kamay, uminom ng sapat na tubig, at huwag makipagtulakan para maiwasan ang aksidente.

Kung makaramdam naman ng pagkahapo ay sumilong o pumwesto sa mas preskong espasyo para makapagpahinga.

Bigyang-pansin din ang mga kasama lalo na ang mga bata, nakatatanda, at PWDs.

Balikan ang PinaSigla Episode 8 dito:
https://web.facebook.com/share/p/1AUrqzbAG1/





19/09/2025

Checkup kayo jannnn🩺👩🏻‍⚕️👨🏻‍⚕️ Search nyo lang ang “Talk To Dok Medical Clinic” sa Google mahahanap nyo na kami🤗 Or text us at 0928 053 1554 to book an appointment 🫶🏼

⬇️ Alamin ang mga sintomas - magpakonsulta kay Dok!
10/09/2025

⬇️ Alamin ang mga sintomas - magpakonsulta kay Dok!

Ang mga kanser sa dugo ay mga ‘silent killer’ na matutugunan ng maagap na gamutan, kapag maaga ring na-diagnose.

🩺 Magpatingin agad pag may napansin sa mga sumusunod na warning signs:
Pamumutla
Panghihina
Madalas o matagal na lagnat
Namamagang kulani na hindi masakit
Biglang pagbagsak ng timbang

💡 Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga benepisyo, basahin ang mga nasa sumusunod na link: https://linktr.ee/DOHCancerSupport

Source: Global Cancer Observatory




Nagkaubo/sipon at nagantibiotics nang walang prescription ng doktor? ❌ Wag ganon! ❌Maiiwasan natin ang   kung magpapakon...
04/09/2025

Nagkaubo/sipon at nagantibiotics nang walang prescription ng doktor?

❌ Wag ganon! ❌

Maiiwasan natin ang kung magpapakonsulta muna tayo bago uminom ng gamot. Magtake lamang ng antibiotics na prescribed ng inyong physician. 👩🏻‍⚕️

Remember: only take 💊 a health professional has prescribed TO YOU.

We can stop the spread of .

👇🏼
04/09/2025

👇🏼

Floods can have a devastating impact on health from drowning, injuries to the risk of electrocution, and even snake bites.

Floods can:
🚱 Contaminate drinking water
🚽 Disrupt sanitation
🦟 Create mosquito breeding sites

Stay alert. Stay safe.

Naku naku - HFMD na naman!😭  Kung makitaan ng sintomas ang inyong mga anak, magpunta na agad kay Dok para sa checkup!
30/08/2025

Naku naku - HFMD na naman!😭 Kung makitaan ng sintomas ang inyong mga anak, magpunta na agad kay Dok para sa checkup!

KARAGDAGANG 2,525 NA KASO NG HFMD, NAITALA NG DOH SA LOOB LANG NG ISANG LINGGO

Umabot na sa 39,893 ang bilang ng kaso ng HFMD na naitala ng DOH as of August 16, 2025.

Karagdagang 2,525 na kaso ang nadagdag sa loob lang ng isang linggo mula sa 37,368 na naitala noong a-nuebe ng Agosto. Kalahati sa mga naiulat na kaso ay mga batang edad isa hanggang tatlong taong gulang.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga local government units upang mapaigting ang pagmomonitor ng mga kaso ng HFMD sa mga rehiyon.

Nakakasa na rin ang pagpupulong ng healthy learning institution ng DOH upang mapag-usapan ang mga hakbang na imumungkahing isagawa para sa HFMD prevention and management sa mga eskwelahan.

Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na pwedeng makuha sa laway na may virus mula sa ubo, bahing, o pagsasalita. Maaari rin itong makuha sa paghawak ng mata, ilong, o bibig gamit ang kamay na nakahawak sa bagay na kontaminado ng virus.

Mabilis na makahawa ang HFMD kaya’t paalala ng DOH, lalo na sa mga magulang, na kung sakaling makaramdam ng sintomas ang anak gaya ng lagnat, singaw sa bibig, pananakit ng lalamunan, at mga butlig sa palad at talampakan ay agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center.

Dagdag pa ng ahensya, para sa mga mild na kaso ng HFMD, panatilihin ang anak sa bahay nang pito hanggang sampung araw o depende sa abiso ng doktor. Paalala rin ng Kagawaran, bukod sa pagdi-disinfect ng mga kagamitan, ugaliin din ang dalawampung segundong paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang hawahan.

Balikan ang PinaSigla Episode 5 dito: https://web.facebook.com/share/p/1CmLK4RAiP/

🩺Paalala po: sa mga araw na nabanggit August 21 at 25, sarado po ang ating clinic para gunitain ang Ninoy Aquino Day at ...
21/08/2025

🩺Paalala po: sa mga araw na nabanggit August 21 at 25, sarado po ang ating clinic para gunitain ang Ninoy Aquino Day at National Heroes Day.

✅Maaari pa rin po tayong magpateleconsult o magpaschedule ng clinic appointment- mangyari lamang po na magmessage sa amin. Salamat po!

Maraming benepisyo ang breastfeeding 🤱
14/08/2025

Maraming benepisyo ang breastfeeding 🤱

Address

Ermin Garcia Street Corner EDSA Avenue Barangay E. Rodriguez
Cubao
1102

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm
Saturday 9am - 6pm
Sunday 9am - 6pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Talk To Dok Medical and Ultrasound Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category