19/04/2026
Mga anak, bukas na ito gaganapin kaya matulog na ng maaga. Pagkagising mag pray, maligo at kumain ng almusal! Kiita kita tayo mga bata kaya nyo yanπππ
Magandang balita po sa lahat, Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng "Summer Season," ang Martin Marasigan District Hospital, sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office at ng ating Cuenca Local Government Unit (LGU), ay magsasagawa ng isang araw na libreng tuli.
DETALYE NG PROGRAMA
π
Kailan: April 20, 2026 (Lunes)
β° Oras: Magsisimula ng 9:00 AM
π Saan: Martin Marasigan District Hospital, Cuenca, Batangas
BAKIT MAHALAGA ANG PAGPATULI?
Kalinisan: Mas madaling mapanatili ang hygiene sa katawan.
Iwas Sakit: Nakatutulong sa pag-iwas sa impeksyon sa daluyan ng ihi (UTI).
Tandaan: Siguraduhing kumain muna ng almusal ang bata bago ang operasyon.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa Martin Marasigan District Hospital o tumawag sa numero (043) 740-1381